00:00Kastado na bukas ang unang araw ng kampanya para sa kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARM.
00:09Yan ang ulat ni Luisa Erispe.
00:13Magsisimula na bukas ang election period para sa kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARM.
00:22Kaya naman, simula na rin ang pagpapatupad ng gun ban sa region simula bukas.
00:27Mayroon na rin checkpoints at mahigpit na seguridad.
00:31Maaari po na magkaroon ng konti lang na istorbo dahil sa siyempre nasa checkpoint at ipapatupad na po kasi namin biginin tomorrow.
00:40Biginin mamayang gabi, alas 12, 1 ng gabi, ang gun ban at mga iba pang prohibisyon na kaakibat po ng election period.
00:51Tutukuhin pa ng Comenac kung ano ang mga election hotspots sa region.
00:55Pero sa ngayon, wala pang ilalagay sa Comelec control dahil generally peaceful pa umano sa BARM.
01:02In the meantime, yun na po muna kung ano yung proper na deployment, regular deployment na ginagawa natin,
01:08yung presensya ng ating security forces.
01:10Wala po po babago sapagkat napaka generally peaceful po ang buong Bangsamoro sa kasalukuhin.
01:16May ilan pa namang kailangang plansyahin ng Comelec,
01:19particular ang paglalagay ng none of the above na option sa balota.
01:23Kaya sa susunod na linggo, magkakaroon ng pagpupulong ang Comelec kasama ang mga political party sa region para dito.
01:30Samantala, hinihintay naman na ng Comelec na ma-isabatas ang pagpapaliban sa barangay at SK elections na nakatakda sana sa December 1.
01:39Gayun pa man, tuloy lang sila sa paghahanda kahit papormal ng pirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukala.
01:48Tuloy pa rin, hindi po kami hihinto dahil una, ang lahat po ng mga ganyang klaseng batas ay magkakaroon ng publication.
01:55At kinakailang, hindi mo muna mapublish.
01:57Ginigiit din ang Comelec, posible pa kasing makwestiyon ang issues sa Korte Suprema.
02:02At matuloy pa rin ang BSKE sa Desyembre.
02:04Kaya upang hindi silang mahuli sa paghahanda, mas maiging huwag na silang tumigil sa preparasyon.
02:10Hindi pa rin kami hihinto. Bakit?
02:13Kasi ang usapan namin, nung aming PMO, hihintayin namin yung Supreme Court case.
02:18Pag kami nipfile sa Korte Suprema, titignan namin ano ang disposition ng Korte Suprema.
02:22Yung sa naifile na petisyon, mag-fiaro ba o comment lang?
02:28Kasi kung may comment lang, yun, pwede na kami huminto sa lahat ng aming ginagawa.
02:32As far as the comment is concerned, nandun pa rin kami sa mode na tuloy ang BSKE.
02:39Luisa Erispe, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.