00:00Kambayan, andito po tayo ngayon sa Kandon City, particular po dito sa Kandon City Arena, sa lalawigan po ito ng Ilocosur,
00:07para po isa-isa sa gawang Love for All program na may handog po na libreng laboratorio, libreng konsultasyon at libreng gamot po para sa lahat.
00:15Ito po ay programa ng ating Mahal na Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at mi First Lady, Luis Araneta Marcos.
00:22Nais po kasi ng ating Mahal na Pangulong Marcos Jr. na ilapit po yung servisyong medikal sa ating pong mga kababayan.
00:28At huwag na pong antayin pa na kailangan pang magpunta sa ospital o kaya dun sa health centers.
00:34No, ang maganda po dito sa Love for All program, ito po ay parang one-stop shop.
00:38Bukod po sa libreng konsultasyon, libreng laboratorio at libreng gamot para sa lahat,
00:42nariruto rin po yung iba't-ibang mga ahensya ng gobyerno para po maghatid ng kanilang servisyo sa ating pong mga kababayan.
00:49Ilang po sa mga participating agencies na ating pong nakita na nag-setup na po ng kanilang mga booths dito
00:54ay yung Department of Trade and Industry na kung saan ay tabpok po nila yung iba't-ibang mga produktong gawang Pinoy.
01:01Narito rin po yung Land Transportation Office o LTO na nag-setup po ng kanilang assistance desk
01:05para po sa iba't-ibang mga LTO transactions,
01:09gaya na rin po ng pagbibigay ng assistance sa paggagawa po ng client ID.
01:13Naririn din po yung servisyong hatid ng Social Security System o ng SSS
01:17at ganoon rin po ng Food and Drug Administration o FDA.
01:20Mayroon din po dito naka-handa na yung mga charity-timba na mayroon pong laman na mga food items
01:26para po sa mga pre-selected beneficiaries.
01:29Bukod po rito ay mayroon din pong handog na family food packs ng DSWD.
01:33So napakarami pong mga iba't-ibang mga agencies na handa pong magbigay ng servisyo sa ating pong mga kababayan
01:39dito po sa Kandon City, Ilocosur.
01:41Now bago po man po yung Love for All program, nakatakda pong mangyari bukas,
01:44nagsagawa na rin po ng iba't-ibang mga mini-medical missions
01:48dun po sa mga liblib na komunidad dito po sa Kandon City.
01:52Kanina nga po, nakapanayam naman po natin si Kandon City Mayor Eric Singson
01:56at kanya pong ipinararating yung taus-pusong pasasalamat
01:59kay Pangulong Marcos Jr. at kay First Lady Luis Araneta Marcos
02:03dahil binala po nila rito yung Love for All program,
02:06yung may handog na libring laboratorio, libring gamot at libring konsultasyon para po sa lahat.
02:11So 6 a.m. tomorrow, inaasahan na magsisadatingan na po ganoon kaaga
02:15yung pong mga patients and beneficiaries.
02:18Inaasahan po yung pagdating bukas ni DOH, Secretary Ted Herbosa
02:21at ganoon rin po ni Pau Chief Presidenta Costa
02:24dahil meron ding handog na free legal services sa ating pong mga kababayan.
02:29At nakatakda rin po yung pagdating ni First Lady Luis Araneta Marcos
02:33na siya pong panauhing pandangal sa aktividad bukas.
02:36At kasunod naman po ng programa ng Love for All ay magkakaroon din po ng pagpapasinaya
02:41o inauguration po ng Ilocosur Medical Center.
02:45So bukas po, hatid ko po ulit yung latest tungkol po sa programang ito,
02:48yung libring gamot, libring konsultasyon at libring laboratorio para po sa lahat
02:52o yung Love for All program.