00:00Makikita sa video na ito na tila sinasabunutan ng isang babae habang nakasalampak sa sahig ng isang silid-aralan sa isang paaralan sa Muntinlupa City.
00:09Sa panayam ng PTV News, noong August 4 nangyari ang umano'y bullying sa kanyang anak.
00:14Sinuntok umano ang kanyang anak ng kanyang kaklase dahilan para gumanti ang dalagita at sinagot ito ng marahas ng kaklase nito.
00:22Na hawakan yung likod ng ulo niya, binalibag niya ako mama, tumamay yung ulo ko sa simento.
00:28Dating na noong gabi, tumatawag na ngayon itong isa kong anak.
00:32Sabi niya, mama, si, eto nga, si ina, isusugod ko na sa ospital kasi nakatatlong suka na siya.
00:41Sumusuka siya ma. So dadalhin na namin sa ospital.
00:44Nadiskubre rin ang nanay. Nakatanggap din ang anak niya ng masasakit na salita sa group chat ng kanyang kaklase mula sa nambuli sa kanya.
00:50Kinabukasan, ipinose ng nanay ng biktima ang video at litrato ng sinapit ng kanyang anak.
00:56Agad itong nag-viral at nakuha nito ang atensyon ng Muntinlupa LGU.
01:01Sa pahayag na Deped Muntinlupa, sinabi nito na iniimbestigahan na ang insidente at prioridad nila ang interes ng lahat ng sangkot ng mga bata.
01:08Noon lamang nakarang linggo, nilagdaan ni Education Secretary Sani Angara ang implementing rules and regulations ng anti-bullying law
01:16kusan inatasan ang lahat ng paaralan na maglatag ng anti-bullying policies.
01:20Inimbitahan rin ni Mayor Rufy Biazon ang mga magulang ng mga bata sa City Hall para pagharapin, kasama ang class advisor at iba pang opisyal ng paaralan.
01:29Nangako naman ang paaralan na sasagutin nila ang pagpapaospital sa kanyang anak.
01:33Kwento ng ina ng biktima, napapag-isipan na ng anak na magmodular o huminto na sa pag-aaral.
01:38Out of nowhere, nanonood lang kami, siya yung biglang nag-open sa akin. For how many days? Hindi ko tinatanong sa akin ngayon.
01:46Kagabi, kagabi, nagsabi siya nun sa akin. So alam ko na, pinaprocess niya. Yung eksena na ngayon, alam ko na, tumatakbo yun sa isip niya.
01:55Sa lukuyan pa rin nasa ospital ang dalagita at patuloy na nakakaramdang at pagkahilo at pagsusuka.
02:01Para sa clinical psychologist na si Dr. Joseph Koh, may pinag-uugatang dahilan kung bakit nagiging bully ang isang bully.
02:08Nagiging bully ay isang bagay na madalas nai-influensyahan kung anong nakikita ng isang tao sa kanyang kapaligiran.
02:23The social cues, the social environment, kung ano ang kanyang nasasaksihan.
02:28Unang-una sa bahay, sa lipunan, sa mga social media.
02:34So all these avenues are the sources of information.
02:38And alam naman natin na ang isang tao ay natututo based on modeling behavior.
02:46Kung anong nakikita natin sa iba, yun din ang nai-internalize na personality or character ng isang tao.
02:53May matit ni ring efekto, Anya, ang bullying sa biktima nito.
02:56Ang efekto, unang-una, diyan tayo sa biktima.
02:59Siyempre, pwedeng magdulot ito ng trauma.
03:01Pwedeng ito yung magdulot ng takot.
03:03Pwedeng magdulot ng avoidance or pag-iwas sa mga sitwasyong.
03:07Pwede niyang makasalubong, makaharap.
03:10Makainkwentro muli yung bully.
03:12Pwede rin itong magdulot ng trauma na hindi lang yung bully yung iniiwasan,
03:17kundi pati yung mga ibang pang mga sitwasyon na magpapaalala sa kanya doon sa insidente
03:22o doon sa trauma kanyang dinaras.
03:24Giit ni Dr. Go, mayroon dapat gawin ang mga magulang sa kanilang anak,
03:28sila man ang bully o biktima ng pambubuli.
03:31Ito lang napakalaking parte ng mga magulang,
03:34lalo na unahin natin yung victim ng pambubuli.
03:40Sa mga magulang ng may mga anak na biktima ng pambubuli,
03:44ang unang-una natin dapat gawin is i-secure yung ating anak.
03:50Siguraduhin na makakaramdam sila ng safety.
03:54Kung yun ba ay pansamantalang liliban sa skwela,
03:57lilipad ang seksyon, lilipad ng skwela,
04:00o ilang araw na pahinga,
04:02mapapalibutan ng mga kaibigan,
04:05nakakilala talaga at close ng pasyente o ng biktima,
04:08makatutulong din ito.
04:09Puro napakahalaga sa mga magulang ng bully,
04:14kailangan sila din ay turuan ng leksyon.
04:17Kailangan malaman ng bata na merong consequences
04:20ang kanilang mga behavior.
04:22Yan ay maaaring galing sa magulang,
04:24galing sa skwela,
04:25at bigyan ng warning para hindi na maulit.
04:28Lahat naman ng ito ay talagang nangyayari,
04:32pero hindi naman ito nangangahulugan
04:34na wala na tayong magagawa
04:35para mapignilan ang pagpatuloy ng bullying.
04:39Yung awareness is very important.
04:41Kaya kailangan bukas ang komunikasyon sa pamilya.
04:45Kung merong na biktima
04:47o merong gumawa ng masama,
04:50dapat aminin nila at iparealize sa mga bully
04:53na hindi sila dapat gumawa ng mga ganito.
04:57Gabumil de Villegas,
04:58para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.