00:00Bukod sa tao, pwede rin makakuha ng sakit na leptospirosis sa mga alagang hayop gaya ng fur baby ni Hart Evangelista na si Panda.
00:07Ang mga sintomas niya sa mga hayop, alamin sa unang balita ni Katrina Son.
00:15Sa video na inupload ni Kapuso Global Fashion Icon Hart Evangelista,
00:20nakaka-caption na isang leptospirosis survivor ang kanyang fur baby na si Panda.
00:25Nang may magtanong kung lumusong ba sa bahas si Panda, sinagot ni Hart,
00:30siya ang lumusong sa baha at kasama lang daw niya sa sakyan si Panda.
00:35Tingin daw niya baka kontaminado ang kanyang pantalon at sapatos at doon nakuha ni Panda ang bakteriya.
00:42Sabi ng isang vet, delikado at nakamamatay rin sa mga hayop ang leptospirosis.
00:47Ang baboy, ang kambing, ang baka at kalabaw, kapag na-expose po sila sa baha, pwede po silang magkaroon ng leptospirosis.
00:59So, lalo na po yung mga alaga natin, yung aso po, they're highly susceptible to it.
01:05Kahit hindi lumusong sa baha, may chance ang mahawa nito kapag napasukat o napatakan ng kontaminadong baha sa mata, bibig o sugat kung meron man.
01:15Kaya kung may baha sa lugar, magpatingin sa veterinaryo para agad mabigyan ng oral prophylaxis ang mga alaga.
01:22Kabilang sa mga sintomas nito ang pananamlay, hindi pagkain at pananakit ng kalamnat.
01:28Pinakadalikadong sintomas ang hirap sa pag-ihi.
01:32Pag ganito, dapat nang pumunta sa veterinaryo.
01:35The manifestation po ng leptospirosis usually po nasa two weeks yun from the exposure.
01:42Pero huwag po natin hintayin na mag-develop muna ng symptoms.
01:46Kasi po, the symptoms of leptospirosis can be confused for other diseases until na narrow down ng doktor.
01:55Makakatulong din daw ang kumpleto sa bakuna ang mga fur baby.
02:00Ang ilang fur parents, todong pag-iingat daw sa kanilang mga alaga.
02:04Hindi po papalabasin ng bahay para po hindi po siya magkasakit, magkarip tasperosis.
02:09Pagka umuulan po ganyan, hindi po namin nilalabas. Teis lang po sa bahay.
02:15Ito ang unang balita. Katrina Son para sa GMA Integrated News.
02:25May Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.