Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa patuloy pong pag-alboroto ng Bulcang Mayon, isang incandescent short-lived lava fountaining
00:05ang namataan kanina madaling araw.
00:07Tinataya na sa isang daang metro ang taas niyan at tumagal ng mahigit tatlumpung segundo.
00:13Ayon sa FIVOS, patuloy pa rin naitatala ang pagbuga ng lava dome at lava flow sa Bulcang Mayon.
00:19Umabot naman sa mahigit anim na po ang naitalang pagdaloy ng uson o pyroclastic density current,
00:26habang mahigit dalawandaan naman ang naitalang rockfall events.
00:30Kita pa rin ang banaag o crater glow sa bulkan na kasalukuyan na sa alert level 3.
00:37Dahil diyan, naghahandaan ng lumikas sa mga nakatira sa extended danger zone.
00:41Pinaghahandaan na rin ang posibleng pagtaas ng alert level 4 sa Bulcang Mayon.
00:46May unang balita si Ian Cruz.
00:51Ito ang border control point ng pulisya sa bayan ng Santo Domingo Albay
00:55sa extended danger zone na 7 to 8 kilometers mula sa Bulcang Mayon.
01:00Naglatag ng checkpoint para mabilis masabihan at may alis ang mga nakatira rito
01:05sakaling iakyat sa alert level 4 ang status ng Bulcang Mayon.
01:10Kapag nasa alert level 4, posibleng pagputok ng bulkan anumang oras
01:14at maaaring palawigin ang danger zone sa 10 kilometro o mahigit pa mula sa summit crater.
01:21Ang 72 anyo sa Sinilda na nakatira malapit sa border control point,
01:27handa raw sakaling palikasin.
01:28Siyempre tanggap. Nakakatakot naman niyan. Maraming namatay na sa Mayon na yun.
01:34Siyempre aalis kami.
01:36Nagabisong ang FIVOX na mula 10 oras ng gabi ng Sabado,
01:40tumaas pa ang seismic energy ng Bulcang Mayon.
01:43Sabi ni FIVOX Director Teresito Bakulkol,
01:46posibleng may episode daw ng magma-recharge ang Mayon.
01:50Bagamat tumigil na ang naobserbahang pagtaas ng seismic energy,
01:55posibleng pa rin na magdulot ito ng pagpapatuloy ng eruptive activity ng bulkan,
02:01gaya ng madalas na rockfalls at pagdaloy ng uzon.
02:05Nasa 70,000 residente ang kailangang ilikas kapag inakyat sa alert level 4 ang bulkan.
02:11We have to prepare, number one, yung mobility.
02:16So we need trucks or any form of vehicle na pwede sa maramihan or sa mga pamilya.
02:24Ang bayan ng malilipot na nasa 6-kilometer danger zone,
02:28mayroong 406 families o mahigit 1,500 na indibidwal na evacuees.
02:34Sa San Jose Elementary School, nasa 200 pamilya ang nananatili.
02:38Sapat daw ang pangilangan pero may mga evacuee ng nagkakasakit.
02:43Ang tatlong taong gulang na sininyo, nilalagnat at sinisipon,
02:47kaya nagpa-check up na sa klinik ng evacuation center.
02:50Sa ano siguro po sa ulan, sinaambunan kasi lumalabas.
02:56Galing kami sa kalbayog nung nag-evacuation, maulan na gabi.
03:02Sa DOH namin, may mga ano naman sila.
03:05Naglalagay sila ng rooms dapat na medyo dapat hindi makahalo din sa mga karamihan na mga bata.
03:13Dapat mga gano'ng.
03:15Ina-isolate sila?
03:16Oo, oo, oo.
03:17May pagkakataong nawala ng kuryente sa evacuation center.
03:21Mainit kasi simpre maraming evacuate.
03:25Mainit yung kuryente lang talaga ang problema dito.
03:28May mga bata, oo. Pag mayinit, nag-iiyakan sila.
03:33May inaayos sa tent city, sa Bakanting Lotte, sa San Jose,
03:36para hindi na sana gamitin ng mga evacuee ang paralan.
03:40Wala kaming trabaho ngayon. Binigyan kami ng trabaho.
03:42Kahit paano, madagdagawin yung income.
03:44Magkakatulog pa kami sa mga ibang evacuees na malilipat dito.
03:50Pero sabi ng alkalde na malilipot,
03:52dahil sa bantan ng LPA,
03:54baka hindi pa nila palipatan ang mga tent kahit pabuo na ito.
03:58Ito ang unang balita.
04:00Ian Cruz para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended