00:00Nananawagan ng Justicia ang pamilya ng dalawang biktimang natagpo ang patay sa nasusunog na kotse sa Peñaranda, Nueva Ecija.
00:08Ngayon ang balita live si Bam Alegre.
00:11Bam!
00:15Maris, ililibing ngayong umaga ang isa sa mga biktima na binarel at sinunog sa loob ng isang kotse sa Peñaranda,
00:22Nueva Ecija.
00:22Justicia ang panawagan ng kanyang kaanak.
00:28Nakaburol ngayon sa kanilang bahay ang babaeng biktima sa karumal-dumal na krimen sa Peñaranda, Nueva Ecija.
00:34Noong lunes natagpuan ang kanyang katawan, pati na rin ang katawan ng kanyang kaibigan lalaki na binarel at sinunog sa
00:39loob ng isang kotse.
00:40Nahuli na ng pulisya ang primary suspect sa Isabela at natuklasan ito dahil nakapag-selfie pa ang biktima at naipadala
00:47ito sa kanyang asawa sa Amerika bago nangyari ang krimen.
00:50Sa selfie na ito, kasama sa mismong sasakyan, ang babae na pinaniniwala ang mastermind ng krimen, pati ang kanyang asawa.
00:56May ilan ding inarestong aksesory sa krimen na nagkanlong sa suspect na mastermind.
01:00At large naman ang gunman na nakuna sa CCTV pati ang nagmaneho ng getaway tricycle.
01:05Tinitingnan ng pulisya ang motibo na may utang ang suspect sa biktimang babae.
01:09Nadamay naman ang kaibigan lalaki ng biktima sa krimen matapos siya mapakiusapan na maging driver noong araw na yun.
01:15Nasa Pilipinas na ngayon ang asawa ng babaeng biktima pero tumangging humarap sa kamera.
01:19Ang kapatid ng biktima nagbigay ng pahayag para sa kanilang pamilya pero hindi rin siya nagpakita sa kamera dahil nangangamba
01:25para sa kanilang pamilya.
01:26Aniya, noon lunes ng umaga nagpaalam ang kanyang kapatid na may meet up sa kaibigan niyang babae para sa pagbebenta
01:31ng isang property.
01:33Sunod na lang niya nalaman ng krimen nang kontakin siya ng pulisya.
01:36Siya ang nagkumpirma na kapatid niya nga ang isa sa katawang nasunog sa kotse.
01:40Nailibing na ang lalaking biktima.
01:43Pakinggan natin ang pahayag ng kapatid ng babaeng biktima.
01:49Sana eh, yun nga, makamit namin yung hostesya na para sa kapatid po at para sa kaibigan namin.
02:00Sana nga eh, lahat ng sinong may kinalaman dito eh dapat sana lahat managot.
02:14Maris, mamayang pasado las 8 noong umaga nakatakdang ilibing dito sa Palayan City ang babaeng biktima
02:19at nakatutok ang kanyang kaanak dito sa libing bago tutukan yung pagsasampan ng reklamo dito sa nahulingang mga suspect.
02:27Itong unang balita mula rito sa Nueva Ecija.
02:29Bama Legre para sa GMA Integrated News.
02:31Gusto mo bang mauna sa mga balita?
02:34Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments