00:00Sa Botong 19-4-1, formal lang in-archive ng mga Senador ang Articles of Impeachment
00:08laban kay Vice President Sara Duterte.
00:11Paliwanag ng ilang Senador, pagtalima ito sa desisyon ng Korte Suprema.
00:17Si Daniel Manalasta sa Detale.
00:23Nagpasya na ang Senado na tumalima sa Korte Suprema.
00:27Ito'y matapos pumabor ang mayorya sa mosyon na i-archive ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
00:35Labing siyam ang pumabor at nag-abstain naman si Senador Panfilo Lacson.
00:39Kadalasan sa mga Senador, dinepensa kung bakit dapat sundin ang konstitusyon.
00:44Ang boto kung yes ay hindi pagtatanggol sa kanya, kundi pagtatanggol sa legalidad ng proseso.
00:51Hindi po ito ang wakas. Kung may basihan at sa tamang panahon, hindi po ako magdadalawang isip na suportahang muli ang isang lehitimo at makatarungang impeachment.
01:07Restraint is not weakness. It is obedience to constitutional order.
01:13We may not agree with every word of that ruling, but the rule of law is not a matter of convenience.
01:21And if I were to take the duty to my heart, I believe the decision is very clear.
01:30No impeachment court was validly convened.
01:33Pero para sa ilang tutol, gusto nilang antayin muna ang desisyon ng Korte Suprema sa nakabimbing apila.
01:41I've always voted in the minority in many issues in the Senate since 1992 up to the present.
01:48Always prayed I was wrong. Unfortunately, I was always right.
01:54Pinasaringan naman ni Senate President Francis Escudero ang ilang eksperto, pati na ang ilang gustong baliwalain ang desisyon ng Korte Suprema na nagdeteklarang unconstitutional ang impeachment complaint laban kay VP Sara.
02:07Miembro po ba sila ng supremest court? Miembro po ba sila ng super-supreme court?
02:13Sa pagkakaalam ko po, iisa lamang ang Korte Suprema.
02:16Are you truly for accountability or simply anti-Duterte?
02:21Do you truly respect and want to preserve the Constitution or you simply hate the Vice President?
02:27Finally, Mr. President, let today's verdict be a stern and unequivocal warning to anyone who would dare use the Senate for their personal battering ram to further their personal political ambitions.
02:40To these people, I say this. The Senate is not your playground to run after your political enemies. We are not an accomplice in any grand scheme.
02:50Bago umabot sa botohan kung ia-archive ang impeachment ni VP Sara, naging mainit ang talakayan dahil sa unang mosyon ni Sen. Rodante Marcoleta na gusto niyang ipabasura ang impeachment bagay na pinalagan ng ilang nasa minorya.
03:06Hilaw po eh. Hilaw na hilaw.
03:09May kasabihan po tayo, ang tumatakbo ng matulin, kung matinig ay malalim.
03:16Kaya dapat siguro pag-isipan muna natin kung tama ba na bago mag-desisyon ang Supreme Court, e basta ibasura na natin ang kaso na ito.
03:27Tayo pag nananakbo, ako po eh nakasapatos at saka sa kalsada kaya hindi po akong matitinig.
03:33May paliwanag naman si Sen. Alan Peter Kayatano kapag sinabing in-archive na ang impeachment.
03:39So ang kaibahan naman nung motion na pinasa natin ngayon na in-archive na siya, na sinunod yung Supreme Court decision, pinatayin na siya.
03:49So kung ma-reconsider ng Supreme Court, pwede mong buhayin.
03:53Daniel Manalastas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.