00:00Para mapababa sa kalahati ang kaso ng malnutrisyon sa Pilipinas bago matapos ang 2028,
00:06inilunsad ng Department of Health o DOH ang isang health assessment program para sa mga mag-aaralan.
00:11Kaugnay niyan, tinalakay din ang mga eksperto sa isang forum
00:14ang paglaban sa malnutrisyon at pagkabansot ng mga kabataan sa bansa.
00:19Narito ang report.
00:21Health is wealth para kay Julie.
00:24Mahalaga kasi para sa kanya na matiyak na malusog
00:27ang kanyang dalawang minority-edad na anak na kapwa na sa elementarya.
00:32Kaya sinisiguro niya na masustansya lang ang kinakain ng mga ito.
00:37Pinapakain ko sila ng vegetable, mga brutas.
00:39Dinadala ko sila sa health center para pacheck up ko sila ng monthly check-up.
00:45Mahalaga sa akin para maiwasan yung sakit, matutukan nila yung pag-aaral nilang maibot.
00:52Isa lang si Julie sa mga magulang na dumalo sa launching ng Eskwela Kalusugan.
00:58Bawat bata malusog sa NCR ng Department of Health,
01:02katuwang ang Department of Education sa San Juan City.
01:05Bahagi ng programa ang malawakang school-based health assessment
01:09sa mga mag-aaral mula kindergarten hanggang grade 1.
01:12May health education session din para sa mga magulang
01:15kung saan tinalakay ang tamang pangangalaga sa overall wellness ng mga bata.
01:20Aminado naman ang DOH na pahirapan pa rin ang pagsugpo ng malnutrisyon at child stunting
01:26dahil sa ibang-ibang dahilan, kabilang na dyan ang kahirapan at maging ang kulturang kinagisna.
01:32Ang Department of Health po, katulong ang ibang-ibang ahensya ng pamahalaan
01:36at ang mga lokal na pamahalaan ay nagtutulong-tulong upang
01:40maisulong yung mga programang pangkalusugan at programang pangnutrisyon.
01:45Target ng kagawaran na mabawasan sa 13.5% mula sa naitalang 27%
01:51ang kaso ng malnutrisyon at pagkabansot sa Pilipinas bago matapos ang 2028.
01:58Pusibli kasing magdulot ng kapansanan o ikamatay na mga bata ang malnutrisyon kung mapapabayaan.
02:04Sa tala ng National Nutrition Council, aabot sa 2.3 trillion pesos
02:10ang pusibling mawala sa productivity ng Pilipinas pagsapit ng 2030
02:14kung hindi agad maaaksyonan ang malnutrisyon at child stunting o pagkabansot sa Pilipinas.
02:21Pinalalakas pa ng kagawaran ang Philippine Multisectoral Nutrition Program
02:25na layong maitaas ang antas ng nutrisyon at kalusugan ng mga kabataan.
02:30Samantala, dumalo naman ang ilang nutrition experts, policy makers at advocates
02:35sa European Chamber of Commerce of the Philippines Nutrition Forum
02:39kung saan tinalakay ang patuloy na paglaban sa malnutrisyon at pagkabansot ng mga kabataan sa bansa.
02:46I think the government needs to just keep doing it, keep addressing it, stay at target it
02:51and to say that we as a private sector and as a nutrition company
02:56we will always continue to partner with the government.
02:58The problem of nutrition is not a problem that can be solved by one agency, by one person or one entity.
03:05We really need cooperation, we need a more comprehensive approach to fighting nutrition and stunting in the Philippines.
03:13Ipinunto rin sa forum ang kahalagahan ng pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor
03:19sa pagsugpo ng malnutrisyon sa Pilipinas.
03:23BN Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.