00:00Narito na ang PTV Balita ngayon.
00:03Alos 2,000,000 family food packs na ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development
00:09sa mga pamilyang nasa lanta ng Baguio-Uwan at Tino.
00:13Ayon kay DSWP spokesperson at Assistant Secretary Irene Dumlao,
00:18ang pamamahagi ng family food packs ay alinsunod sa Direktipa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:24na palakasin ang disaster response.
00:26Samantala, mahigit 24,000 naman na ready-to-eat food boxes ang naipaabot
00:32ng kagawaran sa mga lalawigang na apektuhan ng Baguio-Uwan at Juan.
00:37Bukod dito, patuloy din ang mobile kitchens sa paglaluto ng hot meals para sa mga bakwit.
00:45Isinailalim sa Yellow Alert ang Visayas Power Grid dahil sa patuloy ng pagdipis ng supply ng kuryente.
00:51Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines,
00:54epektibo ang Yellow Alert ngayong alas 3 ng hapon hanggang alas 8 ng gabi.
01:00Ang available na supply ng kuryente sa Visayas Grid ay nasa 2,694 MW
01:07kumpara sa demand na 2,351 MW.
01:11Sinabi pa ng NGCP na hirap maabot ngayon ang volume ng kuryente dahil sa mahabang brownout.
01:19Samantala, alamin natin ang ibang balita sa PTV Cotabato mula kay Tricia Argon.
01:24Asalamualaikum, mafya mapita, magandang araw.
01:30Narito na ang PTV Balitang Cotabato.
01:33Umabot sa mahigit 3.4 million na iligal na droga at tinatayang P678,000 na halaga ng smuggled cigarettes
01:43ang nakumpiska ng Police Regional Office, Bangsa Moro Autonomous Region,
01:48sa kanilang lingguhang operasyon sa iba't ibang bahagi ng rehyon.
01:52Ayon sa ProBar, 7 ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon
01:57habang 16 na iba pa ang nahuli sa police response at mga checkpoint.
02:04Nabawi rin ang dalawang ninakaw na sasakyan at motorsiklo
02:08kasama ang 20 assorted loose firearms.
02:12Pinangunahan ang mga operation ni Police Brigadier General Jason C. De Guzman,
02:17Regional Director ng ProBar kasama ang mga unit ng CIDGRFU Bar at CIDORFU Bar.
02:23Bahagi ito ng tuloy-tuloy na pagpapatupad ng batas ng ProBar laban sa iligal na droga,
02:29smuggling at iba pang krimen sa rehyon.
02:33Sa matalas sa iba pang balita, pinuri ni Special Assistant to the President,
02:37Antonio Lagdameo Jr., ang bagong talagang commander ng 6th Infantry Division,
02:43Major General Jose Vladimir Zagara.
02:45Ayon kay Lagdameo, ang pagtatalaga kay Caraga ay malaking hakbang sa pagpapatibay
02:51ng Peace and Development Agenda ng Administrasyong Marcos Jr. sa Mindanao.
02:57Si Major General Caraga ay isang veterano opisyal sa Territorial Defense
03:02at Counter Insurgency Operations na pumalit kay Major General Donald Gumiran
03:07na ngayon ay namumuno sa Western Mindanao Command.
03:10Pinangunahan ang turnover ceremony ni Lieutenant General Atoño Navarrete,
03:16Commanding General ng Philippine Army.
03:18Binigandiin ni Lagdameo na ang malawak na karanasanik ni Caraga sa intelligence,
03:23civil military engagements at ground operations ay kritikal para sa patuloy na seguridad
03:29at kaularan sa Bangsamoro at South Central Mindanao.
03:33Niyembro ng PMA Class of 1993, naglilingkod si Caraga bilang commander ng 1st Brigade Combat Team
03:40sa Piggalagan, Maguindano del Norte at humawak ng iba't ibang key positions
03:45sa intelligence at operations na pinalakas pa ng advanced military training sa Pilipinas at abroad.
03:52Nagpaabot din ang pasasalamat si Lagdameo kay Major General Gumiran para sa matatag nitong pamumuno
03:59at matagumpay na pagpapanatili ng seguridad sa Central Mindanao.
04:03Tumalo sa Change of Command Ceremony ang mga opisyal ng militar, lokal na pahamalaan,
04:09sibilyan at miyembro ng media.
04:12At yan ang mga balita ngayon dito sa Kota Bato.
04:16Ako si Tricia Aragon, syukran at magandang araw.
04:19Maraming salamat, Tricia Aragon.
04:23At yan ang mga balita sa oras na ito.
04:25Para sa iba pang update, i-follow at i-like kami sa aming social media sites at PTVPH.
04:30Ako po si Naomi Tiburcio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.