00:00Sa ibang balita, nakatakda ng magsumite ng initial report ang Department of Public Works and Highways o DPWH sa Malacanang,
00:07kaugnay ng flood control project ng gobyerno. May detalya si Mela Les Moras.
00:14Inaasahang maite-turnover na sa Kongreso ang National Expenditure Program sa susunod na linggo na siyang magiging basihan ng panukalang pondo para sa susunod na taon.
00:25Ayon kay House Committee on Appropriations Chair Mikaela Swan Singh, ngayon pa lang, masusin na nilang pinagahandaan ang budget deliberations.
00:34Ang estimate po is second week of August, around the week of August 13. Doon po ito-turnover ang NEP sa Kongreso.
00:43In terms of the start of the actual deliberations, kasi po may mga intermediary processes pa po yan, so ipiprepare pa po yung mismong gab at ipafile natin.
00:52Pero we target to start deliberations on the first week of September. Kung posible po September 1 ay gagawin na po natin yung DBCC.
01:01Git ni Swan Singh, alinsulod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr., titiyaki nila na tunay na tutugon sa pangailangan ng mga Pilipino ang 2026 General Appropriations Bill.
01:12Para sa mas maayos at transparent na proseso, ilang hakbang ang isinusulong ni Swan Singh, kabilang na ang pag-abolish sa tinatawag na small committee at sa halip ay pagbuo ng subcommittee.
01:25Magkakaroon din ang People's Budget Review bago ang aktwal na deliberasyon ng pambansang pondo.
01:30For this upcoming budget deliberations, I would like to propose the creation of a subcommittee on budget amendments review, which will be formed within the Committee on Appropriations.
01:42This subcommittee will be tasked with facilitating and deliberating on proposed amendments submitted by agencies and our colleagues in the House.
01:51Dagdag naman ni Swan Singh, bawat hakbang ng budget process ngayon, gagawin nilang mas bukas sa publiko, bagay na suportado ng iba pang mambabatas.
02:02Ito po'y mahalagang hakbang upang hindi lang, hindi lang maipakita na bukas ang pamamaraan ng pagpapanday ng ating pambansang budget,
02:11kundi para rin may pakitang tapat tayo sa ating sinumpang tungkulin na siguraduhin na ang ating budget ay hindi lamang isang dokumentong spreadsheet,
02:23pati ito po'y isang plataforma para maipalapit ang gobyerno sa tao at maibigay po yung angkop na servisyo at programa sa kanila.
02:33Melalas Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.