00:00In isang ayon, ang Department of Social Welfare and Development sa mungkahin ni Sen. Erwin Tulfo
00:05nabuwagi na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o For Peace
00:09at magbigay na lang ng isang bagsakang puhunan para sa negosyo.
00:13Anila, hindi lang kasi ito tungkol sa pagbibigay ng pera.
00:17May unang balita si Dano Tingkungko.
00:22Dahil walang trabaho at gustong mapag-aral ang mga anak,
00:25nag-apply ang ina ni Kate sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o For Peace noong 2019.
00:31Sa education po namin, binibili po niya mama yung mga gamit po namin sa school
00:35pag may natatanggap po siya.
00:38And sa health naman po namin, yung mga gamot po, nakakabili din naman po siya
00:43and also yung mga ibang kailangan po namin sa bahay.
00:48Like yung mga bigas po.
00:51Pero may kondisyon ng ayuda.
00:52Tulad ng pagdalo sa mga family development session para mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
00:57Nagtuturo po yung mga municipal link po ng iba't-ibang pamamaraan po
01:01kung paano po namin magagamit yung mga cash grant
01:03at also po tinuturoan din po nila ang mga for peace beneficiary po
01:09na maging aktibong mamamayan po.
01:11Hindi lang po in terms ng education,
01:14in terms din po ng pagiging huwarang pamilya po.
01:19Ngayon, graduate na ng office administration si Kate
01:22at planong tumulong sa pamilya, lalo't 7 taon lang,
01:25ang maximum na tagal ng pagtulong ng gobyerno.
01:28Pero kung si Sen. Irwin Tulfo ang tatanungin,
01:30dapat buwagin ng tuluyan ang programa.
01:33Imbis na buwan ng ayuda na may kondisyon,
01:35magbigay na lang anya ng isang bagsak na puhunan sa negosyo.
01:38Yung pang isang taon nila matatanggap,
01:40ibigay mo na ng lamsam at bahala ka na dyan.
01:44Pero bago mong bigyan sila ng budget,
01:46kailangan alam nila, sabihin nila kung anong bagagawin na sa pera na yun
01:50at may training po sila.
01:52Pero tanong ng DSWD,
01:54ngayon pa ba buwagin ang programa kung malinaw naman ang beneficyo nito?
01:58Walang reason na talagang i-scrap or buwagin ang programa
02:03kasi napatunayan that Pantawid Pamilyang Pilipino Program
02:07can contribute para magbumaba ang ating poverty incidence.
02:13Katumbas ng 3 milyong Pilipino ang matatanggal sa kahirapan
02:17dahil sa tulong ng 4Ps ayon sa DSWD.
02:20Hindi lang kasi ito tungkol sa pagbibigay ng pera.
02:23Kabilang sa kondisyon nito,
02:24ang tiyake ng mga magulang na nag-aaral ang mga anak
02:27at regular na bumibisita sa health center ng ilang taon
02:30habang nasa ilalim sila ng 4Ps.
02:32Ang edukasyon at kalusugan at ang itinuturo sa kanila sa mga sesyon
02:36ang kayang bumasag sa kahirapan.
02:39Hindi tulad ng pera o puhunang maaaring maubos sa wala.
02:42Mahirap po yung one time
02:43kasi hindi mo maa-assure
02:45na talagang tuloy-tuloy yung pag-aaral ng mga bata.
02:50Pero at least ngayon, susundan mo eh.
02:52Susundan mo at talagang madidevelop yung behavior.
03:00Yun naman ang purpose ng 4Ps eh.
03:02Yung behavior change.
03:04At talaga yung mga magulang, kahit mahirap, di ba?
03:07Mabigyan lang ng pagkakataon na makapag-aaral ang mga anak.
03:10Di ba?
03:10Talagang ano eh.
03:12Talagang magsusumikap.
03:14Ang mahalaga ayon sa DSWD
03:16ay maiahon sa kahirapan ng mga beneficaryo
03:18kaya tuloyan niya ang pagrepaso sa 4Ps para masiguro ito.
03:23Ito ang unang balita, Dano Tingkungko para sa GMA Integrated News.
03:28Gusto mo bang maauna sa mga balita?
03:30Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
03:33at tumutok sa unang balita.
Comments