00:00Tinawag na matinding kabalintunaan ni Pablo Vergilio Cardinal David
00:06ang pagkasos na may hirap na nagsusugal.
00:09Gayong gobyerno anya ang pinakamalaking promotor ng online gambling.
00:14Nasabi po yan ang Cardinal sa kanyang post tungkol sa lalaking nasawi
00:17matapos hanapin ang amang naaresto dahil sa pagkakakarang Cruz.
00:21Saksi, si Jonathan Andal.
00:23Pumukaw sa atensyon ni Kaloocan Bishop Pablo Vergilio Cardinal David
00:32ang sinapit ng pamilya ng 20-anyos na estudyante si Dion Angelo O'Gelo
00:37na namatay sa leptospirosis.
00:39Lumusong siya sa gabaywang na baha para hanapin ang amang bigla nalang daw nawala noon.
00:44Pero naaresto pala ang ama dahil umano sa pagkakarang Cruz.
00:47Ayon sa kanyang pamilya,
00:49Diktima ang ama ni Jelo ng tinatawag daw na pansakto ng mga pulis.
00:54Kinagulat ako, bakit ka nakadetail?
00:56Tapos tinago ka pa ng tatlong araw na hindi ka malang pinakontak sa pamilya mo.
01:02Hindi po kami gumagawa ng mga ganong insidente.
01:06Yung sinasabi nilang pansakto o kukuha na lang kami
01:11nung sino-sino mang tao dyan para gawin namin po or accomplishment.
01:16Pansamantalang nakalaya ang ama ni Jelo pero maaharap pa rin siya sa kaso ng iligal na sugal.
01:22Ang Presidential Decree 1602 noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
01:27ang batas na nagtakda ng mas mabigat na parusa sa illegal gambling kabilang ang Cara Cruz.
01:32Ginawa raw ito noon para labanan ang salot ng lipuna na umuubos daw sa pera ng mamamayan.
01:37Sa kanyang post sa social media, ipinunto ni Cardinal David na mahihirap lang ang biktima ng batas na ito.
01:44Katulad din daw ng Oplan Tokhang ng nakaraang administrasyon kung saan ginawa raw kota ang mga drug suspect para mapromote sa servisyo.
01:51Sabi ni Cardinal David, ilang dekada na ang lumipas pero walang naaresto ni isa sa mga malalaking gambling lord.
01:58Isaan niyang matinding kabalit-tunaan na habang kinakasuhan ang mga mahihirap na nagsusugal ng Cara Cruz,
02:04wala naman daw tayong magawa sa gobyerno na promotor raw mismo ng sugal gaya ng online gambling sa pamamagitan ng pagkor.
02:11Hiningan namin ang tugon dito ang pagkor pero wala pa silang sagot.
02:15Hinihingan din namin ang tugon dito ang PNP pati ang Malacanang.
02:18Nito lang Pebrero, pinawalang sala ng Korte Suprema ang dalawang nalaking akusado rin ng pagka-Cara Cruz.
02:23Dapat lang daw ito, sabi ni Supreme Court Senior Associate Justice Marvick Leonen.
02:28Dahil bukod daw sa hindi sapatang ebidensya laban sa dalawa,
02:31nakapagtataka raw kung bakit pinarurusahan pa rin ang mga nagka-Cara Cruz,
02:35gayong pinapayagan naman ang pagsusugal sa mga kasino.
02:39Ang ganitong sistema, target lang daw ang mga mahihirap na hindi kayang maglaro sa mga lisensyadong establishmento.
02:46Napansin din ni Justice Leonen ang pattern sa ilang kaso ng mga pag-aresto dahil sa Cara Cruz,
02:51na ang kadalasang kasunod daw ay tila nihitimong warrantless search kung saan nakukuhanan ng iligal na droga ang mga naaaresto.
02:58Hiningan namin ang datos ang PNP kung ilan na ang mga nahuli nila sa Cara Cruz pero wala pa silang tugon.
03:04Nakaburol ngayon si Jello at ang gusto muna ng kanyang pamilya, magkaroon siya ng maayos na libing.
03:09Panawagan ni Cardinal David, ipagdasal ang pamilya ni Jello at maging ang ating mga sarili
03:13para matigil na aniya ang pagtaas ng pagbaha ng kawalang katarungan para wala na raw kabataan,
03:19katulad ni Jello, ang mapagkaitan ng kinabukasan dahil sa kabalimtunaan ng sistemang nagpaparusa sa mahihirap
03:27at pumuprotekta sa mga makapangyarihan.
03:30Para sa GMA Integrated News, ako si Jonathan Andal, ang inyong saksi.
03:34Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:38Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.