Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pinag-aaralan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center
00:04ang pagsasampa ng kaso estafa laban sa mga influencer na tuloy pa rin
00:08sa pagpapromote ng iligal na online sugal.
00:12Saksi, si Maki Pulido.
00:18Nakakabahala, sabi ng CICC o Cybercrime Investigation and Coordinating Center
00:23na dahil sa social media influencers, mas nagiging talamak ang illegal online gambling.
00:28Sa datos mula sa kanilang Threat Monitoring Center,
00:31prino-promote ng 119 influencers ang illegal online gambling
00:35sa pamamagitan ng content creation, live streaming, at referral link distribution.
00:41These are manipulated sites, so it's not necessarily based on chance alone.
00:47They target really the youths to gamble.
00:49Hiningi na ng CICC na isara ng social media platform ang 49 sites ng mga influencers
00:54na nagpro-promote ng illegal online gambling.
00:57Pero apat pa lang daw dito ang naisara.
01:00Ang mga hindi raw titigil, sabi ng CICC, kakasuhan nila ng estafa.
01:04Kailangan mapag-aralan kung ano ho yung mga sanctions na pwede nga ipataw dito sa mga platforms
01:10na hindi tumutugon doon sa mga legal naman na request ng ating gobyerno.
01:18May influencers din namang tumigil at ngayon'y hinihimok ang kapwa influencers
01:22na huwag nang mag-promote ng illegal online gambling.
01:25Lesson learned na rin po sa akin dahil ang dami na rin talagang nalululong, lalo na yung mga minor.
01:32Masama talaga ang illegal site, maraming scammer, tumatanggap ng minor, so yun yung pinapaglaban natin ngayon.
01:38Sa monitoring ng CICC, mahigit isang libo ang illegal online gambling websites, dagdag pa ang 146 websites ng illegal online sabong.
01:47Karamihan po dyan mga mirror sites, so kapag may nire-report po kasi kami na kapag take down po ang CICC ng illegal gambling sites,
01:57nakakabalik po kagad.
01:58Para sa GMA Integrated News, ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
02:03Mga kapuso, maging una sa saksi.
02:06Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
02:11Mag-subscribe sa GMA Integrated News, ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended