00:00At bago tayo tumungo sa ating talakayan,
00:02hingi muna tayo ng update mula sa Department of Justice.
00:05Yusek Marge, nagsani pwersa ang DOJ at DSWD
00:09para sa mga batang biktima ng karahasan.
00:12So, ano yung detalya nito?
00:14Asik Joui, nagsani pwersa ang Department of Justice
00:17at Department of Social Welfare and Development
00:19para mas mapadali at mapabilis
00:22ang pagbibigay ng tulong at danyos
00:24sa mga batang biktima ng karahasan.
00:27Sa ilalim ng nilagdaang Memorandum of Agreement,
00:29mas madali na ang proseso ng pagbibigay ng tulong pinansyal
00:33sa mga batang nasa pangangalaga ng DSWD,
00:37particular ang mga biktima ng online sexual abuse,
00:40human trafficking, panggagahasa, torture at iba pang marahas na krimen.
00:45Pangungunahan ang hakbang nito ng Board of Claims
00:48sa ilalim ng DOJ na susuri at pipili sa mga qualified beneficiaries
00:52alinsunod na sa Republic Act No. 7309
00:56o ang Batas na Nagtatag sa Board of Claims.
00:59Tiniyak ni Justice Secretary Boing Rimulya
01:02ang kanyang buong suporta sa kasunduan
01:04at sinabing patunay ito
01:06na nakasentro ang isang bagong Pilipinas
01:08sa kaligtasan at kapakanan ng mga bata.
01:12Mula sa mga bata naman,
01:15sa kapakanan ng mga bata,
01:17environmental protection naman.
01:19So ano naman itong detalye ng pakikipagtulungan ng DOJ sa DENR?
01:24Asik Joey, kapwa pinagtibay ng Department of Justice at Department of Environment and Natural Resources
01:30ang kanilang ugnayan para palakasin ang pag-usig sa mga kasong may kinalaman sa kalikasan.
01:36Ito ang naging bunga sa ikinasang strategic planning and case building workshop
01:41sa Puerto Princesa City, Palawan, Kamakailan.
01:45Layan ang programang ito na mapabilis at mapadali ang pagsasampa ng kaso
01:49laban sa mga umaabuso sa inang kalikasan.
01:52Tinayak naman ni Justice Secretary Boing Rimulya
01:55ang kanyang buong suporta sa akabang ng DOJ at DNR
01:59bilang bahagi ng Real Justice for All sa ilalim ng bagong Pilipinas.
02:04Alinsunod rin ang proyektong ito sa DOJ Department Circular No. 20
02:08na nagpapalawig sa tungkulin ng mga prosecutors
02:11para tiyaking matibay ang mga kasong isinampa sa korte.
02:17Maraming salamat sa mga update mula sa Department of Justice, USEC Marge.
02:21You're welcome, Masik Joey.
02:22You're welcome, Masik Joey.