00:00Alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:03na tutukan ang paghahatid ng dekalidad na servisyong medikal para sa lahat ng Pilipino.
00:08Mas pinalawak ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth
00:11ang mga beneficyo nito para sa mga miyembro nito.
00:14Narito ang report.
00:17Lahat po tayo ay miyembro ng PhilHealth.
00:21Pinataas at pinaganda na rin natin ang mga beneficyo.
00:25Lalo na para sa mga karamdaman na laganap dito sa ating bansa.
00:29Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:33sa kanyang ikaapat na State of the Nation address.
00:36Base na rin sa mandato ng kanyang administrasyon
00:39na tutukan ang paghahatid ng dekalidad na servisyong medikal sa lahat ng Pilipino.
00:44Dahil dyan, pinalawig pa ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth
00:49ang kanilang mga beneficyo.
00:51Bukod sa pagpapalakas ng primary care na konsulta,
00:54sakop na rin nila ang Outpatient Emergency Care Benefit Package.
00:58Tinaasan ang benefit package para sa acute myocardial infarction o sakit sa puso.
01:04Mula sa dating P30,000 sa gamutan, itinaas ito sa P130,000.
01:10Para naman sa angioplasty, pinalawak pa ito sa P530,000 mula sa P30,000.
01:17Nariyan din ang cardiac rehabilitation na nasa P66,000.
01:22Isinama na rin sa benefit package ang ibang-ibang uri ng cancer,
01:27gaya ng liver, lung, prostate, cervical, ovarian at colorectal cancer
01:32na ilan sa mga pangunahing dahilan ng pagkasawi ng mga Pilipino.
01:37Bukod dyan, palalakasin pa ang kanilang programang yakapa o yaman sa kalusugan programa.
01:42Dito po sa ating yakap na ito, meron tayong mga serbisyo.
01:48Una, libreng konsultasyon at saka check-up.
01:51Pangalawa, meron po itong kasama na labing tatlong laboratorio na libreng makukuha rin.
01:58Kasama po dyan yung mga eksaminasyon sa dugo,
02:01x-ray, ECG, katipo yung mga eksaminasyon sa taba ng dugo,
02:07kreatinin sa ihi, at kung kinakailangan,
02:11meron pong libreng 21 drugs na ibinibigay para sa ating lahat ng miyembro.
02:18Samantala, itinaas pa sa 2.1 million pesos ang kidney transplant benefit
02:23mula sa dating 600,000 pesos.
02:26Bukod sa living donor, sakop na rin ngayon ang PhilHealth
02:29ang tinatawag na deceased organ donor na umaabot sa 800,000 pesos
02:35hanggang mahigit 1,000,000 piso.
02:37Mula naman sa 90 sessions para sa hemodialysis,
02:41magiging 156 sessions na ito kada taon.
02:44Ang dating 260,000 pesos, ngayon ay nasa 1.2 million pesos ang benepisyo
02:50para sa peritoneal dialysis.
02:52Malaking tulong po talaga, sir.
02:56Nagpapasalamat po sa PhilHealth na nagkaroon na po ng gantong PhilHealth.
03:00Isinama na rin ng PhilHealth sa kanilang benefit package
03:03ang 10 rare diseases, kabilang na ang Invoin Errors of Metabolism.
03:08Samantala, bagamat zero subsidy ngayong 2025,
03:12tiniyak naman ng PhilHealth na may sapat pa rin silang pondo
03:16para ipagpatuloy ang kanilang mga servisyo,
03:19alinsunod na rin sa umiiral na Universal Healthcare Law.
03:23BN Manalo para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.