00:00Magandang balita po para sa ating mga kababayan, lalo na sa mga wala pong sariling tahanan.
00:05Sa ilalim po ng pambansang pabahay para sa Pilipino Program o yung 4PH ng Administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,
00:13mas pinalawak na ang housing options mula sa condo at house and lot, lote lang hanggang rental housing.
00:19Dahil dito, ang dating hulog na 11,200 pesos sa isang kondo, posibleng bumaba sa halos kalahati.
00:25Sa mga row houses, mula 5-2 pesos. Pwede na lang maging 2,700 pesos kada buwan.
00:31Ay po kay Department of Human Settlements and Urban Development, Secretary Jose Ramon Alilin.
00:36Kasama na rin dito ang Enhanced Community Mortgage Program, kung saan maaring ipa-award ang titulo ng lupa sa mga informal settler families.
00:44Ginagawa ito ng disyud sa pakipagtulungan sa private developers para pabilisin ng permit processing
00:49at palawakin o palawakin ang inventaryo ng abot kayang pabahay.
00:55Pag pinasok po natin itong interest subsidy,
01:00saka pag kinonsider po natin itong subsidized rate ng pag-ibig,
01:04yung 6.25% po magiging 3%, tapos meron po tayong additional 2% na interest subsidy.
01:11Ngayon, yung mga hindi pa rin kaya, hindi pa rin kaya na maka-afford ng mga binanggit kong mga presyo,
01:18meron po tayong dinagdag ulit na modality. Ito naman po yung rental housing modality po ng 4PH.
01:24Ma-improve yung living condition sila at magkaroon ng available na bahay na pwedeng bilhin o rentahan ng bawat Pilipino
01:31na gusto mag-avail ng 4PH program.