Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Arrestado sa magkahiwalay ng operasyon ng NASA 20 Chinese nationals
00:04na nagpapatakbo umano ng hinihinalang scam hubs sa Pampanga.
00:09Walong Pinay naman ang NASA GIF.
00:11Live mula sa Angeles, Pampanga, may unang balita si Bam Alegre.
00:15Bam?
00:19Susan, good morning.
00:20Dalawang operasyon magdamag ang ikinasadito sa Clark Freeport Zone.
00:24Mga sindikato na may kinalaman sa online crime.
00:27Ang target ng mga otoridad.
00:30Sinalakay ng mga otoridad ang compound ng dalawang vila na ito sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.
00:43Naabutan nila ang labimpitong Chinese nationals na nagpapatakbo umano ng scam hub.
00:48Ginalugad ang bawat kwarto nila para kunin ang mga laptop at mobile phone.
00:52Isa sa ilalim ng mga ito sa digital forensic examination para makakuha pa ng impormasyon.
00:57Naaktuhan ng mga operatiba itong bahaging ito ng vila kung saan isinasagawa ang isang operasyon na may mga indikasyon na isa itong love scam.
01:06Tulad dito, mayroon silang computer na may mga gamit pang chat at mga romantic na mga terminology ang gamit.
01:13Walang Pilipina ang narescue sa pinaniniwalaang scam hub.
01:22Pinagtatrabaho ro sila ng mahigit walong oras.
01:24Sabi nila bago lang daw sila roon at tinuturuan pa lang daw ng sistema sa pagkuhan ng mga client.
01:29Paano kayo nakuha sa trabaho po? Ano'ng pagkakasabi?
01:33May friend po na nagyayaya lang po.
01:36Ano'ng pailangan yung doing daw?
01:38Magahanap po ang client.
01:40Tapos?
01:42Yun po, inaaral po namin.
01:45Kasi one week po lang po kami dito.
01:47Bago lang po talaga ako dito. Kakadating lang po namin kaapong.
01:51Abali, ano ang utos sa inyo rito?
01:53May hinahantay pa po kami tao. Hindi po namin alam ba sa sabi po. Magantay lang po kami dito.
02:00Wala namang pahayag ang 17 suspect. Hirap sila dahil sa language barrier.
02:04Nagpatuloy sa magdamag ang pagsalakay ng mga otoridad na pinagsamang pwersa ng Bureau of Immigration, AFP at Clark Development Corporation.
02:12Hindi kalayuan sa dalawang villa, isang residential property naman ang sinuyod ng mga operatiba.
02:17Lumundag pa ang ilang operatiba sa balkonahe.
02:20Arestado ang tatlong Chinese national na may set up ng mga laptop para naman sa pinaniniwalaang online fraud.
02:26Dadalihin ang mga suspects sa camp Bagong Diwa.
02:29Iniimbestigahan pa kung magkaugnay ang dalawang magkalapit na hinihinalang scam hub.
02:32Dito sa loob ng Clark Freeport Zone, since 2023, ipinagbawal na ng Clark Development Corporation ang anumang gawain na may kinalaman sa Pogo.
02:47So napaka-importante nito dahil talagang nililinis na natin yung ating bakuran dito.
02:55At nagpapasalamat kami sa ating mga partner agencies, Bureau of Immigration, saka Armed Forces of the Philippines dahil tinutulungan nila kaming linisin yung Clark Freeport Zone.
03:06Susan, makikita ninyo sa ating likuran, ito yung isa sa mga residential property na nirentahan ng mga suspect.
03:16Ayon sa polisya, ito raw ay P100,000 daw kada buwan ang kanilang renta.
03:22Ito ang unang balita mula rito sa Pampanga, Bama Legre, para sa GMA Integrated News.
03:25Gusto mo bang mauna sa mga balita?
03:29Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.

Recommended