00:00Nagpalala ang Scam Watch Pilipinas sa mga nagninegosyo na mag-ingat sa mga modules online.
00:06May 7 online scam daw na dapat ikabahala.
00:09Una riyan ang mga peking buyer na nagpapakita ng peking transaction record
00:15na kunwaring sobra ang naibayad at pagkatapos ay maghihingi ng refund sa seller.
00:21Dapat daw ay kumpirmahin ang kanilang bayad sa mismong banking app o wallet.
00:25Pangalawa, mag-ingat sa mga nagkukunwaring logistics company na nagpapadala ng mga peking tracking update
00:32matapos mangihingi ng courier o shipping fee.
00:37Mag-ingat din daw sa mga peking website na nagkukunwaring galing sa mga e-wallet
00:43na posibleng makuha ang inyong account details.
00:46Tulad sa mga e-wallet, mag-ingat din daw na makuha ang inyong account sa social media
00:51at iba pang online shopping platforms.
00:53Dapat daw ay gumawa ng matibay na password at gumamit ng two-factor authentication.
00:59Nagbabala rin ng Scamwatch Pilipinas sa mga kaduda-duda at peking link
01:04na makaaring ikasuspend ng inyong account.
01:07Kasunod daw niyan ay mag-aalok ng tulong sa inyo para rito at biglang maniningil.
01:13Kadikit din niyan ay ang mga nagpapadala ng email at text message
01:17na may mga kasamang link.
01:19Huwag daw itong pipindutin.
01:21Pang-huli, mag-inga sa mga nagpapanggap na support agent na mga online shopping platform
01:28at mag-ihingi ng one-time password o OTP.
01:32Hinding-hindi ito hihingi ng mga lehitimong platform.
01:36Paalala rin ng Scamwatch Pilipinas,
01:39magkaroon ng kontra-scam attitude.
01:42Magdamot, magduda, magsnab at magsumbong.
01:47Gusto mo bang mauna sa mga balita?
01:50Magsubscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments