Skip to playerSkip to main content
  • 6 months ago
Tanawon Geothermal Power Plant, mapapakinabangan na ng publiko | Rod Lagusad

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inaasahan makakatulong ang pagbubukas ng Sorsogon Geothermal Power Plant para madagdagan ang supply ng kuryente sa bansa.
00:08Ang detalya sa report ni Rod Laguzad.
00:14Mapapakinabangan na ng publiko ang pinakabagong geothermal power plant sa bansa.
00:18Ito ang tanawang geothermal power plant sa Sorsogon na inaasahan na makakatulong para madagdagan ang supply ng kuryente.
00:24Itinayo ang planta ng Energy Development Corporation, ang Renewable Energy Subsidiary ng First Gen Corporation.
00:32Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, kinakailangan na suporta ng pamahala ng ganitong mga proyekto sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga tamang polisiya.
00:40Ito'y lalo't mahal magpatayo ng ganitong mga planta.
00:43The risk is very high. So we are trying to study kung paano mabawasan yung risk nila.
00:49Kung pwede sana ang 50% nung mabawasan ang gerisking niya.
00:54Tapos kailangan po i-push namin din kung saan nila mabibenta yung power nila.
00:59Kailangan bigyan din ng proteksyon.
01:01We are doing that for all renewable energy projects also.
01:05Ito'y para masiguro na magkaroon ng sustainable na supply ng kuryente.
01:10Nandito tayo ngayon sa Tanawang Geothermal Power Plant dito sa lalawigan ng Sorsogon
01:15kung saan ang steam ay ipinoproseso para maging kuryente.
01:19Itong sa aking likuran, ito ang tiyatawag na powerhouse kung saan ang steam ay dumadaan sa turbine para maging mechanical energy.
01:26At sa tulong ng generator, ito ay nagiging electrical energy o kuryente na siyang ipinapasa sa luzon grid.
01:32Sa kabuuan, aabot sa 22 megawatts na kuryente ang kapasidad ng plantang ito.
01:38At kaiba sa ibang renewable energy, ang geothermal ay 24x7.
01:43Hindi ito tulad ng solar at wind energy na maaring wala kapag walang araw o hangin.
01:48Sa bahagi ng Energy Development Corporation, plano ng kumpanya na palawakin pa ang kapasidad ng planta.
01:54In the near term, siguro another 50 megawatts.
01:57We're exploring yung nakita namin potensyal.
02:00And then another, siguro another 40 megawatts pa longer term.
02:05So hopefully, mga 90 megawatts pa of geothermal capacity.
02:09But on top of that, meron pa kami na ongoing construction ng 20 megawatt hours naman ng battery,
02:15which we also put into operation this year.
02:18Kasabay nito, patuloy ang kanilang pagtingin sa iba pang mga technology na meron.
02:23Ang Pilipinas ay ikatlo sa buong mundo pagating sa producer ng geothermal energy.
02:27Ang geothermal, isa siya sa mga mura kasi 24x7 nagge-generate siya.
02:33Hindi siya yung variable na you need additional technology para ma-upload mo yung capacity.
02:4224x7 tumatakbo siya. So mas mura ang operations niya.
02:47Ayon kay Garin, kanilang tinututukan na mapababa pa ang singil sa kuryente.
02:51Kasunod ng sinabi ng Pangulo sa kanyang ika-apat na State of the Nation address
02:54na pagtatayo ng karagdagang halos 200 mga planta sa bansa sa susunod na tatlong taon.
03:00Ayon sa kalihim, 80% dito ay renewable energy na makakatulong para dumami ang supply ng kuryente.
03:06At kalaunan, bumaba ang presyo nito.
03:09Rod Lagusad, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended