00:00Inilatag ng mga bagong pinuno ng iba't ibang kumite sa Kamara, mga prioridad ngayong 20th Congress.
00:06Para naman sa House Ethics Committee, hindi nila papaliwalain ang issue tungkol sa kongresistang na aktuhang nanonood ng video ng sabong habang nagsesesyon ang Kamara.
00:18Yan ang ulat ni Mela Las Moras.
00:20Tiniyak ng bagong pinuno ng House Committee on Ethics and Privileges na si Four Peace Partyist Representative JC Abalos na hindi nila babaliwalain ang issue ukol kay Aga Partyist Representative Nicanor Briones.
00:36Si Briones ang kongresistang na aktuhang nanonood ng sabong habang nagsesesyon ang Kamara noong July 28,
00:43bagamat una na niyang nilinaw na hindi siya sabongero at may nagpadala lang sa kanya ng video.
00:48Kung may pagkakamali po, meron po tayong tamang paraan ng pagwawasto.
00:54I would like to let everyone know na hindi po natin pinabaliwala o babaliwalain ang incidenting ito.
01:02Asahan niyo po na tutuparin ng Committee on Ethics ang aming tungkulin.
01:06Sabi naman ni Briones, handa siyang humarap sa ethics panel sakaling ipatawag siya.
01:11Pero tumanggi muna siyang magkomento hinggil sa napaulat na naapektuhan na rin umano ang posibleng niyang pagsali sa Commission on Appointments dahil sa issue.
01:21Mano man ang kanilang gusto, ay pinabaya ako na sa Diyos na ang kapalara natin.
01:29Kung sa tingin nila ay dapat investigahan, ay aarap tayo doon dahil wala naman tayong tinatago, malinis konsensya natin.
01:36Ang naritay namang chairperson ng House Committee on Basic Education and Culture na si PASIG Representative Roman Romulo
01:44nakatutok na rin sa iba't ibang usaping pang edukasyon sa bansa.
01:48Naniniwala siyang mas mapagbubuti pa ang kapakanan ng mga mag-aaral at guro,
01:52lalo pat kabilang ang edukasyon sa mga binigyang pansin ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. sa katatapos lang niyang State of the Nation Address.
02:00Yung pag-focus sa function literacy, may kita po natin magbubunga po ito ng improved results natin sa education system.
02:10We will turn a corner soon and may kita po natin magkakaroon ng improvements.
02:15Si House Committee on Good Government and Public Accountability Chair Joel Chua naman na siya ring humawak ng naturang posisyon noong 19th Congress.
02:24Tiniyak na mas pagbubutihin pa niya ang serbisyo ngayon at magsisilbirao niyang gabay ang mga naging pahayag ng Presidente noong SONA
02:31ukol sa pagsusulong ng accountability at paglaban sa korupsyon.
02:36Sa hiwalay na pahayag, siniguro naman ni Public Order and Safety Chair Rolando Valeriano
02:41ang all-out war nila laban sa organized crime, illegal gambling at drug trafficking.
02:46Sa susunod na linggo, inaasang mapapangalanan na rin kung sino pa ang ibang leader na mamumuno sa iba pang kumite ng Kamara.
02:54Mela Les Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.