Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • yesterday
387 Patient Transport Vehicles, ipinamahagi ni PBBM sa ilang LGUs sa Luzon; PCSO, tiniyak ang patas na pamamahagi ng emergency vehicles

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Una po sa ating mga balita, mas pinalawak at pinabilis pa ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paghatid ng servisyong medikal sa mga Pilipino.
00:11Ito'y sa tulong ng patient transport vehicles na ipinamahagi ngayong araw ni Pangulong Marcos Jr. sa mas maraming pang lokal na pamahalaan.
00:21Silipin yan sa Setro ng Balita ni Kenneth Pasyente.
00:24Sa layuning mas pagtibayin pa ang healthcare sa bansa, karagdagang patient transport vehicles o PTV pa ang ipinamahagi ng pamahalaan sa ilang local government units mula sa iba't ibang bahagi ng bansa.
00:39Kanina mismo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nanguna sa ceremonial turnover ng 387 PTV sa pitong rehyon sa Luzon.
00:47Bahagi pa rin ito ng commitment ng Marcos Jr. administration na pag-ibayuhin ang emergency response capabilities sa buong bansa, pati na ang kabuwang servisyong medikal sa bawat Pilipino.
00:57We are very happy now to be able to do this dahil dito sa administrasyong ito, karapatan ng bawat nating kababayan na Pilipino na magkaroon ng ganitong klaseng servisyo.
01:13So pinapatibay nga natin ang buong healthcare services. Nag-meeting lang kami tungkol sa budget sa DOH, tungkol sa budget ng PhilHealth, tungkol sa lahat ng mga servisyong ibinibigay, tungkol sa mga insurance, upang buuhin namin ang magandang healthcare system.
01:32Kabilang sa nakatanggap ng PTV ang ilang munisipalidad at syudad sa Regions 1, 2, 3, Regions 4A at 4B, gayon din ang Region 5 at Cordillera Administrative Region.
01:43Mula noong July 2022 hanggang nitong Hunyo ng taon, umabot na sa 680 ang naipamahaging PTV ng administrasyon batay sa datos ng PCSO.
01:53Hinimok naman ang punong ehekutibo ang mga resipyent na ingatan ang mga natanggap na emergency vehicles, na anya'y piniling mabuti para maging angkop sa pangangailangan ng bawat bayan sa Pilipinas.
02:03Alagaan ninyo ng mabuti ito, tatagal ito ng matagal, basta't alagaan natin ng mabuti, kahit gamit na gamit yan, na meron na kaming experience doon sa mga kuna naming na ibigay,
02:15basta't inaalagaan ng mabuti, tama ang pag-service, tama ang paggamit, pagka nangangailangan ng piyasa, palitan ka agad.
02:23Napakalaki po ang tulong nito dahil kami po ay sa probinsya namin, kami po ang pinakamaliit na bayan, kaya ibig sabihin yung pondo natin limitado, kaya po pag may mga ganitong tulong kami po ay nagpapasalamat. Malaking malaking tulong po ito sa amin.
02:41Nakatakda namang mamahagi pa ang gobyerno ng nasa 985 PTV ngayong taon, habang ang PCSO ay naglaan na ng isang bilyong piso para sa pagbili ng 395 PTV na nakatakdang ipamahagi naman sa susunod na taon.
02:57Kasabay niya ng pagtiyak na magiging patas ang pamamahagi ng mga ito.
03:01Itong taon na ito, garantisado po, mabibigyan po natin ang lahat ng munisipyo, ano man po nga class, kung 1 to 6, hindi po magmamater yan, kakampay.
03:11Hindi masyadong kakampay. Kung ano mang kulay po, hindi po kami nagtatangi. Yan po ang bily ng Pangulo. Huwag hong politikahin ang healthcare.
03:22Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.

Recommended