00:00Hawak na ng Philippine National Police ang tinuturing na dalawang missing links sa kaso ng mga nawawalang sabongero.
00:06Itinanggi naman nila ang ulat na umano'y pinapipirma ng bagong affidavit ang pamilya ng mga biktima para baliktarin ang kwento.
00:13Inang ulat ni Ryan Lasigas.
00:17Mariing nanindigan ng Philippine National Police o PNP na umuusad ang kaso ng missing sabongeros.
00:23Taliwas ito sa sinasabi ng ilan na uusad pagong ang pagkamit sa ustisya sa kaso.
00:28Clearly, mayroon pong direksyon yung ginagawang investigation ng PNP.
00:33Sabi nga natin, regardless kung sinong tatamaan, regardless kung sinong lulutang sa ating investigasyon, wala tayong papanigan kundi katotohanan at ustisya.
00:46Katunayan, ayon kay PNP spokesperson, Police Brigadier General Jean Fajardo, hawak na ng PNP ang dalawang missing link sa kaso ng mga nawawalang sabongero.
00:55Ito ay si Ella Kim Patidongan at Jose Patidongan na pawang mga kapatid ng whistleblower sa kaso ng mga nawawalang sabongero na si Julie Patidongan alias Totoy.
01:06Si Ella Kim ang sinasabing nag-withdraw sa ATM account ng isang nawawalang sabongero habang si Jose ang nakuhanan ng video na umano'y nag-escort sa isa pang nawawalang sabongero.
01:17Sinasabing nahuli daw ang dalawa sa isang bansa sa Southeast Asia at dumating sa Pilipinas nitong July 22.
01:24Kung matatandaan nyo rin po, may mga lumabas na video na isang taong nakaposas at in-escortan po ng dalawa.
01:33Ang tao po na yon ay si Michael Bautista na isa po sa mga nawawalang missing sabongero.
01:38Lumabas na may warrant of arrest o mano si Jose sa kasong robbery habang si Ella Kim naman ay nahuli dahil sa paggamit ng ibang pangalan sa passport bilang Robert Bailon.
01:49Nanindigan ang PNP na nihiti mo ang paghuli sa dalawa dahil may pakikipagtulungan nito sa Bureau of Immigration at naaprubahan din ang kanilang case operational plan.
01:59Kinuha po nila yon, yung dalawang tao po na yon, with no fanfare, with no ingay whatsoever because these two gentlemen are very critical po sa investigation.
02:11At na-find out nga po natin, na-confirm natin na itong tao po na ito, si Jose Patidongan, ay mayroong pong outstanding warrant of arrest.
02:20Matapos ang insidente, inalis si Police Brigadier General Romeo Macapas sa CIDG at inilipat sa Police Regional Office 12.
02:29Pero paglilino ng PNP, walang kinalaman dito ang kaso ng missing sabongeros.
02:34Ang paglipat daw kay Macapas sa PRO 12 ay personal nitong kahilingan.
02:38We want to assure everyone na hindi po magpapagamit ang PNP kaninuman at sinuman to advance their own personal interest.
02:49Ang objective lang po ng PNP ay bigyan ng hustisya ang mga nawawalang sabongero at yung kaniyang mga pamilya.
02:58Pinasinwalingan din ang PNP ang sinabi ni Alias Totoy na pinapapirma o mano nila ng bagong affidavit ang pamilya ng mga biktima para balik ka rin daw ang kwento.
03:08Sa zona ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tiniyak nito na walang sasantuhin sa gagawing investigasyon sa kaso.
03:15Hahabulin at pananagutin natin ang mga utak at mga sangkot si billion man o opisyal.
03:28Kahit malakas, mabigat o mayaman, hindi sila mangingiwabaw sa batas.
03:35Ryan Lisigues para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.