Magsisimula na bukas ang voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na nakatakda sa December 1. Nakabinbin pa rin ang panukalang iusog ito sa Nobyembre ng susunod na taon.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Magsisimula na bukas ang voter registration para sa barangay at sa angguniang kabataang elections na nakatakda sa December 1.
00:09Nakabingbing pa rin ang panukalang iusog ito sa Nobyembre ng susunod na taon na.
00:15Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:20Halos tatlong buwan matapos ang national and local elections,
00:23bubuksan muli ng Commission on Elections o COMELEC ang voter registration.
00:28Si Walayan Bukas hanggang August 10.
00:31Ang mga makakapagrehistro maaaring makaboto sa barangay at sa angguniang kabataan elections o BSKE na nakatakda sa December 1.
00:40Ayon sa COMELEC, nasa isang milyong bagong votante ang posibleng makapagparegister sa loob ng sampung araw.
00:46Kasi wala tayong votante na 15 to 17 na siyang magpaparticipate sa saangguniang kabataan.
00:53So iyan po ay napakahalagay yung sampung araw na yan, lalo na sa mga first-time voters na kabataan.
00:58Pwede rin magrehistro ang mga ngayoy 14 years old,
01:02basta't pagdating ng mismong araw ng eleksyon sa December 1 ay 15 years old na sila.
01:07Nationwide ang registration.
01:09Kailangan lang magdala ng ID, sabi ng COMELEC.
01:12Maaari kayong magpunta sa COMELEC office sa inyong lugar.
01:16Sa Metro Manila, meron ding special registration of voters sa Piling Mall, LRT Station, Eskwelahan, Park, Bus Station at iba pa.
01:25Naghahanda ang COMELEC kahit isang taon nang nakabitin sa ere kung matutuloy ba ang BSKE election sa December 1.
01:32Hinihintay pa kasi kung pipirmahan ng Pangulo ang panukalang batas na nagpapahaba sa termino ng barangay at SK official sa apat na taon mula sa tatlong taon.
01:43Nakapaloob din dito ang pagpapaliban sa BSKE elections na mula December 1, 2025 ay magiging November 2, 2026 na.
01:52Tinututulan ng NAMFREL o National Movement for Free Elections ang postponement ng BSKE.
01:58Disrupting the predictability and regularity of the elections is disrupting actually the voting process and the people's exercise of the right of suffrage which violates the provision of the Constitution.
02:15Ganito rin ang pananaw ng election lawyer na si Romulo Macalintal na handa raw dumulog sa Korte Suprema kung pipirmahan ng Pangulo ang batas.
02:24Kasi kapag hindi natuloy sa December 2025 ang ating halalan sa barangay, lahat ng mga incumbent officials na yan from December 2025 agad November 2026 ay hold over sila.
02:40Tayo ay pamumunuan ng mga barangay officials na hindi natin inihalal. At yan ay labag sa ating saligang batas.
02:48Sabi ng Comelec, ano man daw ang pasya ng Pangulo kaugnay sa usaping ito, handa silang sumunod.
02:55Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment