00:00Sa ibang balita, hindi na lamang magbebenta ang ating mga kababayang magsasaka ng kanilang mga palay sa National Food Authority.
00:09Ito ay dahil kahit sila magiging benepisaryo na rin ng 20 bigas meron na program.
00:15Ayon sa Department of Agriculture, simula sa August 13, magiging benepisaryo na din ang mga magsasaka na nakalista sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture ng kanilang ahensya.
00:30Na umaabot sa halos 3 milyon.
00:32Nasa 10 kilo ng 20 pesos na bigas ang maaari nilang bilhin sa loob ng isang buwan sa mga ilalagay na kadiwa FTI booths sa NFA warehouses.
00:43Di it ni Agriculture Secretary Francisco T. Laurel Jr., nararapat lamang na maging benepisaryo ng naturang programa ang ating mga kababayang magsasaka dahil sila din ang susi para may sakatuparan ito.
00:57Ayon naman kay Agriculture, Deputy Spokesperson Assistant Secretary Joyce L. Panlilio, una muna itong gagawin sa dalawang regyon.
01:07On August 13 po ay sisimulan po namin yung pag-include na po ng ating mga rice ng mga farmers po natin na makabili na rin po sila ng P20.
01:19At ito po ay magiging available po sa mga NFA warehouses.
01:23We will pilot it sa Region 2 and Region 3.