00:00Malaking tulong para sa mga arawan ang kita kapag naging available na ang 20 pesos na bigas sa Bicol Region.
00:07Kaya naman ang Department of Agriculture patuloy na tutulong para mapalakas ang produksyon ng palay.
00:13Si Gary Carillo na Radio Pilipinas Albay para sa Balitang Pambansa.
00:19Napakaganda po niyan sir sa tutulang.
00:22Pabor na pabor sa amin niyan.
00:24Kumpara sa dati, halos triple ang matitipid ni Mang Jose sa bawat kilo ng bigas na kanyang bibilhin.
00:30Para sa isang arawang manggagawa tulad niya, malaking bawas ang 20 pesos kada kilo ng bigas sa kabuuan ng kanilang gastusin.
00:38Sa 100 baga, kung sa 20 peso ng kilo, meron ka ng 5 kilos.
00:47Tapos sa ibang pera, maabot mo pa yung ibang bilhin.
00:53Samantala, kumpiyansa ang Department of Agriculture Bicol na tataas ang produksyon ng palay sa rehyon ngayong buwan ng Abril.
01:00Bukod kasi sa magandang kondisyon ng panahon, patuloy rin na pinapalawak ng gobyerno ang suporta at mga programa para sa mga magsasaka.
01:08Maganda po yung panahon natin and inaasahan ang Department of Agriculture na mataas ang ani natin ngayon.
01:16And we have distributed hybrid dry seeds, certified seeds. Ito na mga po 99,400 hectares.
01:24At para mapalago pa ang ani at kita ng mga magsasaka, nagbibigay rin ang pamahalaan ng mga kagamitan at pagsasanay sa modernong agrikultura.
01:34Tiniyak din ang Philippine Crop Insurance Corporation ang indemnification para sa mga naapektuhan ng ASF at mga bagyo.
01:42Mula sa Radyo Pilipinas Albay, Gary Carl Carillo para sa Balitang Pambansa.