Skip to playerSkip to main content
Sinabi ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na dapat itanim ang prinsipyo ng "continuous improvement," kung saan "tayo ay natututo at palaging humuhusay sa bawat karanasan."


Ayon pa sa kaniya, dadagdagan din ang imprastruktura tulad ng mga makabagong evacuation center at mga Mobile Command and Control Vehicles ng DOST. #SONA2025


Watch the GMA Integrated News special coverage of the fourth State of the Nation Address #SONA2025 of President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. on July 28, 2025. 


Watch the livestream: https://www.youtube.com/watch?v=PId8bZ6AXxU


Read from the site: https://www.gmanetwork.com/news/


#GMAIntegratedNews #BreakingNews #SONA2025

GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.

For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta

For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Masigasig din ang ating paghahanda at pagmamatyag laban sa banta ng sakuna at kalamidad,
00:06lalo na sa bagong normal at nagbabagong klima na nagbubugso na panahon.
00:14Ngayong Hulyo, apat na bagyo na ang dumaan sa atin.
00:18Sabi ng pag-asa, mga labing dalawa pa ang nagbabantang papasok sa bansa hanggang Desembre.
00:25Sa 24 nating aktibong bulkan sa bansa, apat ang kasalukuyang nag-aalboroto, lalo na ang kanloon sa negros.
00:34Hindi tayo dapat tumigil sa ating mga ginagawang paghahanda dahil ang banta ay patuloy na naririyan.
00:42Dapat ay maging likas at otomatik na ang mga wastong gawi sa tuwing may sakuna.
00:48Dahil sunod-sunod ang mga sakuna, lalo na ang bagyo, mahalagang itanim ang prinsipyo na continuous improvement
00:57kung saan tayo ay natututo sa palaging humuhusay at sa bawat karanasan.
01:03Nariremedyohan kung saan tayo nagkulang at saan natin dapat galingan pa.
01:08Kasama ng mga mahalagang infrastruktura, dadagdagang pa natin ang mga makabagong evacuation center ng ating naipatawiyuna.
01:16Hindi na dapat pang gamitin bilang evacuation center ang ating mga paaralan.
01:27Ginagamit na natin ngayon ang mga makabagong teknolohiya, lalo na sa maaga at mabisang prediksyon,
01:33mga Doppler radar, broadband seismic station, landslide sensor system ng pag-asa,
01:39at saka field book sa iba't ibang lugar sa bansa.
01:42Sa epektibong pagsasaklolo, nakakatulong ang mga mobile command and control vehicle ng DOST
01:50na ipinamahagi natin sa labing isang LGU sa buong mansa.
01:56Sa ating mga kababayan, hindi magtatagumpay ang anumang paghahanda natin kung wala ang tulong po ninyo.
02:04Hiling din namin ang inyong kooperasyon, inyong disiplina, pagmamatyag at bayanihan bilang responsabling mamamaya.
02:14Kooperasyon sa mga malawakang insayo, pagsunod sa mga babala at tagubilin,
02:20tulad ng agarang paglikas at pag-iwas sa mga danger zone.
02:24Disiplina, lalo na sa wastong pagtapon ng basura.
02:30Pagmamatyag sa bawat oras,
02:33pagmamatyag sa bawat oras, bawat araw.
02:37Lalo na kapag may nagbabadyang hagupit na panahon
02:41sa pag-alam sa malapit na evacuation center,
02:46pakikinig sa totoong balita,
02:49at pagtatalima sa mga alituntunin ng pamahalaan.
02:52Higit sa laghat, bayanihan sa pagdadamayan at pagtutulungan,
02:59lalo na sa mga nasalanta nating kapwa.
03:02Mahirap man, kailangan natin itong gawin.
03:05Kailangan natin magsakripisyo upang masiguro na nailayo natin sa kapahamakan ng ating mamamayan
03:12dahil mahalaga ang bawat buhay ng Pilipino.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended