• 2 years ago
Ilang ACM (Automated Counting Machine) sa Lipa, Batangas, iniluluwa ang balota.


Panoorin dito ang 32-hour special coverage ng GMA Integrated News para sa #Eleksyon2025: https://ow.ly/cEFT50VQHix

Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news
.
Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews


Visit our website - https://www.gmanetwork.com/news/


Facebook - https://www.facebook.com/gmanews
TikTok - https://www.tiktok.com/@gmanews
Instagram - https://www.instagram.com/gmanews/
Twitter/X - https://x.com/gmanews

Category

📺
TV
Transcript
00:00Pag nagkaka-abirya yung mga makina, mabilis ba yung tech support?
00:04Kasi alam ko, mahaba yung panahon na nagpa-practice yung paggamit ng mga machines na yan.
00:10Pati yung mga machines na yan ay dinadala rin sa mga media offices.
00:14So, wala dapat masyadong surprises.
00:17So, gano'n ba kahanda yung sistema para tumugon dyan sa mga abirya na nagaganap?
00:24Well, Howie, doon sa una mong tanong kung gano'n ba kahanda nung pumunta ko rito
00:32bago pa magsimula yung mismong butohan dito sa mismong polling place na ito sa GB Lontok Memorial Integrated School
00:39ay sinabi naman nila na handang-handa naman sila at ilang training naman daw yung ginawa nila.
00:45Hindi lang dito sa polling place na ito, kung hindi, pati na rin sa buong Lipa City.
00:50Yung mga abiryang na experience dito, katulad nung niluluwa yung mga balota o hindi agad na ipapasok o na i-feed
01:00at bukod doon kanina, nag-report din ako tungkol sa mga blankong resibo na inilalabas ng ACM.
01:07Ilang ulit silang kailangang mag-try, mag-print at bago lumabas yung mga listahan nung ibinoto ng mga botante.
01:16Yan daw yung mga ilan sa klase ng abirya na hindi inasahan ng mga miyembro ng electoral board base na rin sa pakikipag-usap natin kanina.
01:27Kaya tama ka kahit daw ilang training na yung ginawa nila, meron pa rin silang mga na-experience na unexpected na mga problema
01:36at sabi nga nila e-technical difficulty.
01:39Pero yung maganda naman, at least dito sa nawitness ko dito sa GB Lontok Memorial Integrated School,
01:45ay humahaba lang yung duration pero nabibigyan namang solusyon.
01:50Katulad nung sa mga balotang iniluluwa ng makina, may mga nakatutok na mga miyembro ng EB doon sa mismong tabi ng machine
01:59para i-assist yung mga botante sa pag-feed o pag-susubo ng balota.
02:04Doon naman sa mga, doon sa ACM, sa isang presinto na blanco yung resibo na inilalabas
02:11at kailangan pang paulit-ulit na magpasok ng smart key yung chairman ng EB doon sa clustered precinct na iyon.
02:19Um, inabot din ng oras bago sila mapuntahan ng DESO technician na naka-assign dito sa school
02:26pero naayos naman daw at sa ngayon ay tuloy-tuloy daw yung kanilang pag-boto.
02:31So, to answer the question kung gano'ng kabilis, compared doon sa mga na-experience natin
02:39o na-witness natin ng mga nakaraang eleksyon na gumagamit pa noon ng VCM,
02:43ay mas mabilis ngayon yung pag-resolba.
02:45Natatagalan pa rin yung ibang mga butante na nasasaktuhan na may aberya yung kanilang presinto
02:52pero at least ay mas mabilis na kumpara sa dati yung pag-re-resolve itong mga issue na ito, Howie.
02:58Maraming salamat, Darlene Kay, sa Lipa, Batangas.

Recommended