Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • today
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi pa rin nawawala ang baha sa ilang bahagi ng Metro Manila kahit medyo umaliwala sa panahon.
00:05At bukod sa baha, problema rin sa ilang bahagi ng Pangasinan, ang kawalan ng kuryente.
00:11Saksi, si Mackie Polido.
00:16Kahit wala ng bagyo, abot binti pa rin ang baha sa Malabon City.
00:20At kahit timang buong buntis, pilit itong nilusong ni Laika Jean para mag-ayos ng mga dokumento sa City Hall.
00:26Malaking bagay din po. Budget-budget lang din po yung dala ko ngayon.
00:31Hindi pa kasi bumabiyahe ang mga jeeps sa mga bahang kalsada at aabot din sa 120 pesos ang balikang pamasahe sa mga pedicab.
00:39Mahal po yung pamasahe, mahal po yung singin.
00:41Napakabigit po madjak sa tubig, malalim. Yung pyesa po ng tricycle, mahal. Madali pong masira, malakas ang gastos.
00:50Binahaang Malabon dahil sira pa rin ang navigational gate na haharang dapat sa mataas na tubig mula sa Manila Bay.
00:56Ang nakikita po namin, yung volume po ng tubig ay hindi po sapat na i-pump ng kanilang mga pumping station.
01:04Kaya medyo babagal po yung pag-subside po ng tubig dito po sa harap ng tricycle.
01:10Sa Nabotas, ang barangay Tanza 1 at 2 na malapit sa Malabon, may mga bahagi ring hanggang tuhod ang baha.
01:17Marami ring kalsada sa Valenzuela City ang baha pero nadaraanan na ng lahat ng klase ng sasakyan ayon sa Facebook post ng Valenzuela LGU.
01:26Abot-hita naman ang baha sa Manila East Road National Highway sa Paete Laguna kaya hindi ito pwedeng daanan ng mga maliliit na sasakyan.
01:33Sa ngayon, nagpaplano na ang Paete LGU na mga programa para maiwasan ang baha sa mga national highway.
01:40Dalawang lungsod at labing tatlong bayan naman sa Pangasinan ang lubog pa rin sa baha kaya naka-alerto pa rin ang mga otoridad dito.
01:47Sa ngayon, naka-red alert status pa rin tayo dahil nga may mga flooded area pa.
01:52At the same time, yung sa western Pangasinan, narabin na yun ang bagyong emo.
01:57Sa bayan ng Kalasyao, lampas critical level pa rin ang Marusay River.
02:01Dalawamput-isang barangay sa lugar ang patuloy na binabaha.
02:05Halos tatlundang pamilya ang nananatili pa rin sa evacuation center.
02:09Damay rin sa hagupit ng bagyong emo ang abagatanin beach sa bayan ng Agno.
02:13Pinadapa nito mga bahay at ilang cottage sa lugar.
02:17Nagtumbahan at humambalang sa kasada mga poste, gayon din ang ilang puno.
02:22Bukod dito, kalbaryo rin ng mga residente ang kawalan ng kuryente at mahinang signal sa lugar.
02:28Ayon sa Agno LJU, nasa 6,000 pamilya ang apektado ng bagyo.
02:32Sa tala ng NDRRMC, 31 ang kabuoang bilang ng mga nasawi sa buong bansa.
02:38Dala sa mga bagyong krising, dante at emong, pati na rin ang habagat.
02:42Para sa GMA Integrated News, ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
02:52GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
02:57GMA Integrated News.

Recommended