00:00Samantala, lakas ng Bagyong Emong na ramdam din sa Cordillera region.
00:05Landslides at rockslides na itala ko saan may dalawang individual pa
00:09ang sakabutihan palad ay nailigtas, matapos matabunan ng putik
00:13ang kanilang bahay sa Baguio City.
00:16Si Jordan Campana ng PTV Cordillera sa sentro ng balita.
00:20Mula pa kagabi, ramdam na ang malakas na buhos ng ulan at bugso ng hangin sa Baguio City at Bengket.
00:31Kaya naman kaninang umaga, naitala ang kabi-kabilang insidente ng paghuhu ng lupa.
00:36Sa Outlook Drive sa Baguio City, apat na bahay ang naboon sa gumuhong lupa at punong kahoy.
00:42Dalawang babae ang natrap sa isang bahay na natabunan ng putik
00:46pero agad narescue at nadala sa ospital.
00:48Ligtas naman ang mga pamilya sa isang bahay.
00:52Nirespondihan din ng maotoridad ang isang landslide sa Luknap, Baguio City.
00:57Isang bahay ang natangay at nahulog sa ilog.
01:00Binibiripika pa ng otoridad kung may naiwang tao sa bahay nang mangyari ang insidente.
01:05Gumuhuri ng riprap at natumba ang mga puno sa The Mansion Compound.
01:10Sa mga larawang ito, nagkalat ang mga natumbang puno, bato at putik sa mga kalsada sa lungsod.
01:17Idiniklaran ni Mayor Benjamin Magalong ang high alert status dahil sa banta ng Bagyong Emong.
01:22Ipinagutos ang mabilis na rescue at relief operations.
01:27Kabi-kabilang landslide at rockslide rin ang naitala sa Cannon Road,
01:31kaya nananatiling sarado sa mga motorista.
01:34Nagkalat ang mga bato sa kalsada na malapit pa sa kabahayan.
01:38Tumaas ang libal ng tubig sa Buod River sa Cannon Road na delikado sa mga residente.
01:45Sa Tuba Benguet, nasira ang sasakyang ito na nakaparada sa kalsada matapos tamaan ng gumuhong lupa.
01:52Istrandad ang ilang trucks at bus sa Marcos Highway dahil sa pagguho ng lupa.
01:57Pinapayuhan ang mga motorista na mag-ingat sa daan.
02:00Naitala rin ang landslide sa iba't ibang bahagi ng pangunahing kalsada tulad sa Naguilian Road,
02:06Baguio Bontoc Road, Governor Bado Danguan National Road at mga provincial road.
02:12Bukod sa landslide, problema rin sa ibang lugar ang pagbaha.
02:15Sa La Trinidad Benguet, muling lumubog sa baha ang sikat na strawberry farm.
02:23Binaha din ang mga kalsada.
02:28At ilang kabahayan.
02:31Sa Itogon Benguet, mahigpit ba rin ipinagbabawal ang operasyon ng lahat ng small-scale miners.
02:37Pinayuhan ang mga residente ang malapit sa mga delikadong lugar na lumikas na.
02:41Tungkol po sa miner po natin sa Itogon, may advice naman sa kanila.
02:46Lahat basta may bagyo o tag-ulan, walang papasok po sa tunnel po, sa mga usok nila, sa mga adit nila.
02:55Nawala naman ang supply ng kuryente sa malaking bahagi ng Baguio City at Benguet,
03:00puspusa ng restoration efforts ng Benguet Electric Cooperative.
03:04Samantala, nagdagdag ng water release ang Ambuklaw at Bingadam sa Benguet, kasunod ng malakas na pag-ulan.
03:12As of 8am, binuksan ang walong gates sa Ambuklaw at anim na gates naman sa Bingadam.
03:18Jorton Campana, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.