00:00Umaray na sa walang tigil na pagbaha ang mga residential areas sa Taytay Rizal.
00:05Ang iba pa sa kanila, nagkakasakit na.
00:08Si J.M. Pineda sa Detalye Live, J.M.
00:14Audrey, bago nga mag-alas 6, kaninang umaga ay muling bumuhos ang malakas na ulan dito sa Sapanggodi o Sitio Sapanggodi sa Barangay San Juan, Taytay Rizal.
00:23Kaya naman ang ilang mga residente dito sa kanilang lugar ay muling nangamba sa pagtaas muli ng baha.
00:30Dumadaing na si Tatay Felix sa bahang nararanasan nila sa Sitio Sapanggodi sa Barangay San Juan, Taytay Rizal.
00:39Bukod kasi sa nagkakasakit na ang mga residente dito, hirap din sila sa paghanap buhaya.
00:46Puro baha, hindi po makatrabaho ang tao, hindi makapagkantin. Ang iba, walang trabaho.
00:52Si Nanay Salina naman, hindi na umano makapagbukas ng kanyang kantin sa loob ng Sitio Sapanggodi.
01:00Ang mga suki niya kasi hindi na kayang pumasok sa loob man dahil sa ba. Dagdag pa nga dyan yung problema nila sa kanilang kalusugan.
01:08Gaya ko, wala na. Umpisa pa noong Monday, wala na kaming kita. Lubog na lubog talaga kami. Bahay namin, lumutang na talaga yung mga...
01:19Diba, ang kusina. Laging may lagnap. Kahapon, ito sa Alipunga. Asawa ko, magang magampaan.
01:29Abot pa rin hanggang 20 ang taas ng baha sa Sitio Sapanggodi dito sa barangay San Juan, Taytay Rizal.
01:35Isa ang barangay na ito sa mga binabaha sa tuwing may bagyo o malakas na ulan dito sa Taytay Rizal.
01:42Ang mga lugar na ito, pasok kasi sa sinasabing low-lying areas ng Taytay.
01:46Ibig sabihin sila ang mga catch basin o tagasalo ng mga tubig na bumabagsak mula sa matataas na lugar.
01:52Dahil dyan, umaapaw ang creek sa gilid ng Sitio Sapanggodi na sinasabayan pa umano yan ng walang humpay na ulan at pagbara ng mga basura.
02:01Ayon sa mga residente, humupa na umano ang baha dito sa lugar nila dahil nitong mga nakarang araw ay umabot pa nga ito sa hanggang bewang na baha.
02:10Nangangamba rin sila na baka tumagal pa ang ganitong sitwasyon sa kanilang lugar.
02:13Lalo pa at hanggang ngayon ay masungit pa rin ang panahon sa buong Rizal.
02:18Audrey, isa nga sa mga nabanggita ng mga residente dito sa Sitio Sapanggodi na pangangailangan nila o pangunahing pangangailangan nila ay yung tulong pinansyal.
02:29Lalo pat dito sa looban na ito ay marami daw na mga negosyo o nagkakantin.
02:33So ngayon daw, dahil nga ba, walang pumapasok na mga suki nila, kaya ang nangyayari, lugi rin ang kanilang negosyo.
02:41Plus, ito pa yung isa pangangangailangan nila, yung pagkain dahil nga walang hanap buhay, wala rin sila makain.
02:47Yan muna ang latest dito sa Taytay Rizal. Balik sa'yo, Audrey.
02:50Alright, ingat kayo dyan. Maraming salamat, J.M. Pineta.