00:00Nilino naman ang pamahalaan na malaking bagay ang pagbaba sa 19% ng reciprocal tariff na ipapataw ng US sa export products ng Pilipinas para makahikayat ng mas maraming investors.
00:13Ang Pilipinas kasi ang pangalawa sa may pinakamababang taripa sa Southeast Asia, kaya't inaasahang wala itong magiging negatibong epekto sa ekonomiya ng bansa.
00:23Si Harley Valbuena ng PTV sa Retalye Live.
00:26Luisa, walang negatibong epekto sa Pilipinas.
00:33Ito ang nilinaw ng gobyerno sa harap ng 19% na tariffang ipapataw ng Amerika sa mga produkto ng Pilipinas na inanunsyo sa paikipagpulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay US President Donald Trump.
00:47Sa press briefing sa Malacanang, nilinaw ni Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs, Secretary Frederick Goh, na sa huli ay hindi Pilipinas.
01:01Kundi ang mga consumer ng Amerika pa rin ang magbabayad para sa nasabing taripa.
01:07Bukod dito, malaking bagay pa rin naman o ang pagbaba ng taripa sa 19% mula sa 20% na itong ikalawang pinakamababa sa Southeast Asia dahil makahikayat pa ito ng mas maraming investors.
01:20Ang magbabayad po nitong taripa ay hindi po tayo.
01:27Ang magbabayad ng taripa na ito ay ang mga Amerikano, ang mga importers, ang mga buyers ng mga produkto galing sa buong mundo.
01:35Importante ito dahil kapag mababa ang ating taripa, makaka-attract po tayo ng mga foreign direct investors in the Philippines
01:44para magtayo ng mga pabrika, magtayo ng mga negosyo sa Pilipinas para makapag-export ng kanilang mga produkto sa Amerika.
01:54Sa harap naman ng concession agreement o exemption sa taripa sa ilang produkto ng Amerika na papasok sa bansa,
02:02nilinaw-nigo na hindi kabilang dito ang mga pangunahing produkto tulad ng bigas, mais, asukal, isda at iba pa,
02:10kaya tinitiyak na protektado pa rin at hindi maagrabyado ang sektor ng agrikultura ng Pilipinas.
02:18Ang zero tariff ay sasaklaw lamang para sa automobile, soy, wheat at pharmaceutical products o mga piling produkto upang bumaba ang presyo nito para sa mga Pilipino.
02:31Gamot sa Pilipinas eh, kapag pinasok po natin yan na may taripa, di mas mahal pa po ang presyo ng gamot.
02:38So kapag tariff free po ang gamot, makakababa po yan ng presyo ng gamot sa ating bansa.
02:47Ang Department of Trade and Industry, tiniyak din na poprotektahan ang major domestic agricultural at manufacturing industries ng bansa.
02:58Patuloy din itong palalawakin ang market access sa mga produktong Pinoy.
03:02Luisa, nilinaw din ni Sekretary ko na patuloy pa silang makikipag-negosasyon upang alamin ang detalye sa mga produktong saklaw ng taripa at concession agreement.
03:20Mula rito sa Quezon City para sa Integrated State Media, Harley Valbuena ng PTV.
03:25Maraming salamat Harley Valbuena.