00:00Pinasimple at pinabilis pa ang pagtugon ng gobyerno sa mga problema ng Pilipino.
00:05Ito ay sa tulong ng inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na Bagong Pilipinas eGov PH Servicio Hub.
00:12Kung paano yan, alamin natin mula sa sentro ng balita ni Kenneth Pasyente.
00:19Mas pinadali at pinabilis na servisyo publiko.
00:22Iyan ang target ng pamahalaan sa paglulunsad ng Bagong Pilipinas eGov PH Servicio Hub
00:28sa San Juan City na pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:32Isa ito sa mga inisyatiba ng pamahalaan tungo sa mas pinaigting na paghahatid ng servisyo sa taong bayan.
00:38Lalot isa itong integrated platform na layuning pag-isahin ang mahalagang servisyo ng gobyerno
00:43upang mapasimple at maiparating ng direkta sa mga mamamayan ang tulong at servisyong kanilang kailangan.
00:50Batid daw kasi ng Pangulo ang hinaing ng taong bayan sa tuwing may kailangang asikasuhin sa isang ahensya ng gobyerno.
00:56Pagka kukuha ka ng permit, mag-renew ka ng license, magbabayad ka ng kung anong kailangan mong bayaran doon sa local government,
01:06sa national government, at ang pupunta, pupunta ka sa isang pisina, pipila ka ng dalawang oras.
01:15Pagpila mo, sasabihin, o sige, okay na ito, ipirmahan na namin.
01:19Ngayon, kailangan mo ngayong pumunta doon sa kapila at pipila ka ng dalawang oras at kukuha ka ng pirma.
01:30Pagdating mo doon sa pangalawa, pupunta pa, sasabihin sa iyo, kulang pa ito ng clearance.
01:36Kailangan mo pang pumunta sa office na ganito-ganyan, pipila ka na naman ng katagal-tagal.
01:41Yan daw ang dahilan kaya nabuo ang inisyatiba ng BPSH na naisakatuparan sa pangunguna ng Presidential Communications Office o PCO.
01:49Alinsunod na rin ito sa pagtulak ng administrasyon para sa isang accountable at maaasahang pamamahala.
01:55Kabilang sa mga pangunahing serbisyo ay ang pag-grant ng medical financial assistance, libreng legal counseling at consultation, job matching opportunities at iba pang government services gaya ng application para sa clearances at legal records at iba pa na hatid ng iba't ibang ahensya ng gobyerno.
02:12As I said, it's not only here in Luzon, Metro Manila, we will also do the same thing for all the local governments around the country.
02:22And I think that that is a very, very important development because we are trying to make things easier for our kababayans so that they can go about their business na hindi naman sila nahihirapan at kung ano-ano pangangailangan na nauubos ang oras nila.
02:44Sometimes it takes more than, to get the normal clearance, takes more than one day.
02:52Kaya malaking bagay ito para kay Jen na may aasikasuhin sana sa PCSO at DSWD. Malaking ginhawaan niya na sa iisang lugar na lang siya pupunta.
03:01Sobrang stressful yun kasi ano po eh, magkocommute ka pa po, gano'n. Tapos pag iintindi mo pa yung pamasahin mo sa pupuntahan mo ng ganito, ganyan.
03:11Kaya ito lang is madali lang siya kasi isang puntahan lang po.
03:14Sa ngayon, Luzon ang target na maservisyohan nitong hub, pero plano na rin ang pamahalaan na ma-extend pa ito sa Visayas at Mindanao.
03:22Kabilang din sa highlight ng hub ang EGov PH Super App na isang mahalagang komponent ng BPESH na inaasahang magpapadali sa pag-access ng mga digital na servisyong gobyerno.
03:32Giit ng punong ehekutibo, maaari itong gamitin ang hindi na lumalabas pa ng bahay.
03:36Kailangan lamang anya itong kabisahin dahil dinisenyo naman anya ito para mabilis na maintindihan ng gagamit.
03:42Ipinagmalaki rin niya na kinikilala na ng international community ang digital initiative na ito ng Pilipinas.
03:49Kasabay niyan ang direktiba para sa maayos na pagpapatupad ng bagong Pilipinas hub at EGov PH Super App.
03:55It's a very intuitive and it is now that goes these two elements, the one-stop shop plus the EGov PH,
04:05eh mapupunta na tayo doon sa amin.
04:08Ang aking instruction sa kanila, walang korupsyon, walang fixer, walang pila.
04:15Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.