Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Panayam kay PAGASA Weather Specialist John Manalo kaugnay sa update sa dalawang bagyo at Habagat

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kababayan, tuluyan na pong lumakas sa typhoon category ang Bagyong Emong
00:04na nakaka-apekto ngayon sa Hilagang Luzon at nagpapalakas pa sa epekto ng habagat.
00:10Sa katunayan, ilang lugar na ang nasa Tropical Cyclone Wind Signal No. 3.
00:15Ang update niyan alami natin kay Pagasa Weather Specialist John Manalo.
00:20Yes, John, magandang hapon.
00:22Magandang hapon po at ganoon din po sa ating mga taga-sabaybay.
00:25Itong si Typhoon Emong sa kasalukuyan ay nasa 210 kilometers west ng Dagupan City, Pangasinan.
00:33Ito ay nagmove pa southeasterly, slowly, ibig sabihin ay less than 10 kilometers per hour yung paggalaw niya.
00:40Ibig sabihin, almost stationary siya sa kasalukuyan.
00:44Pero eventually ay magmove ito pa northeast at tatahakin niya itong Ilocos Region.
00:48Sa kasalukuyan ay mayroon itong lakas ng hangin na umaabot ng 120 kilometers per hour malapit sa matan o sentro ng bagyo.
00:56At pagbugso o bigla ang lakas ng hangin na umaabot ng 160 kilometers per hour.
01:00At dahil dito, ay nakataas sa signal No. 3 yung mga probinsya natin.
01:05Partikular na yung northern portion ng Pangasinan, western portion ng La Union at southwestern portion ng Ilocos Sur.
01:12Signal No. 2 naman dito sa Ilocos Norte, natitirang bahagi ng Ilocos Sur, natitirang bahagi ng La Union.
01:17Central portion ng Pangasinan, kasama yung mga probinsya natin ng Apayaw, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Babuyan Islands at northern and western portion ng mainland Cagayan.
01:29Kasama yung western portion ng Nueva Vizcaya.
01:32At signal No. 1 naman dito sa Batanes, natitirang bahagi ng Cagayan, western and central portion ng Isabela, natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya, Quirino, natitirang bahagi ng Pangasinan.
01:43Northern and central portion ng Zambales, Tarlac, western and central portions ng Nueva Ezea.
01:50Kaya gusto natin ipaalala, yung mga binanggit natin na signal No. 3, pababa, 2 and 1, asahan natin yung malalakas na hangin na pwedeng umabot ng 118 km per hour.
02:02May kabilisan po ito. At hindi naman natin inaasahan na magtataas ng signal No. 4 sa mga susunod na araw.
02:09Pero asahan natin na yung paglapit nito sa kalupaan, sa Ilocos Norte or Ilocos Sur, meron po tayong cone of uncertainty or yung posibleng magsakan.
02:19Pero ito po ay around sa Ilocos Region. At pag landfall po niya, ay asahan natin yung malalakas na pagulan kaya maghanda po tayo.
02:33Yes po.
02:34Yes po. May weather system pa ba na nagpapalakas at nakaka-apekto po sa bilis nitong Bagyong Emong?
02:41At kung ikukumpara natin kahapon, bahagyang bumabaan itong track nito at ngayon umabot pa sa typhoon category.
02:50Opo. Yung sea surface temperature o yung temperatura ng karagatan natin ay medyo may kataasan.
02:57Kaya nakaka-contribute po ito sa development pa o sa paglakas.
03:01Kaya ito yung tinatawag din natin na rapid intensification o bigla ang paglakas.
03:06Kung maalala natin, low pressure area pa lang ito si Emong pero si Dante ay tropical storm na.
03:12Pero eventually, ngayon, mas malakas na itong si Emong as compared kay Dante.
03:17At bukod po doon ay yung atmospheric instability. Medyo technical lang po pero ibig sabihin nun,
03:23ay yung movement ng hangin from surface papunta sa taas sa yung papawid natin ay efficient
03:29o ibig sabihin ay malakas o mabilis yung hangin na yun.
03:33Kaya nakakatulong yun na mas mag-develop pa.
03:35Pero ang good news, sorry, hindi po good news, ang magiging advantage ito kapag lapit niya sa kalupaan
03:42ay tuloy-tuloy naman na hihina na itong si Bagyong Emong.
03:47Okay, ito pong binabantayan nating bagyo sa labas ng par.
03:51Posible rin bang maapektuhan po yung mga existing na bagyo ngayon dito?
03:56At posible rin bang magbago ng direksyon?
03:59Yes po, posible po na magbago ng direksyon itong tropical depression sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
04:06Pero sa ngayon, ito po ay yung movement niya generally ay northward
04:10at hindi po natin ito inaasahan na papasok sa Philippine Area of Responsibility.
04:15At hindi rin ito nakaka-apekto sa ano bang atmospheric system o bagyo na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.
04:21At hindi rin po ito nagpapalakas o makakapag-enhance ng ating Habagat o Southwest Monsoon.
04:27Okay, hindi po ba ito yung tinatawag na magiging Fabian na bagyo?
04:33Ayan po, kung papasok po ito ng Philippine Area of Responsibility, ito po yung natatawagin natin na Fabian.
04:40Pero kapag hindi po ito pumasok, ay hindi po natin ito papangalanan.
04:45Alright, sige po. Ano yung pong mensahe sa publiko?
04:47Paalala po sa ating mga kababayan, lalo na dito sa Ilocos Region, yung papalapit na bagyo,
04:54habang wala pa po yan at hindi pa naglalanfall, makikisuyo po na paghandaan natin,
04:59lalo na kung yung mga kabahayan natin o yung mga infrastruktura sa ating paligid ay made up of light materials
05:07na pwedeng tangayin ng hangin o masira ng lakas ng hangin, ay i-reinforce na po natin patibayin natin
05:13o kung kaya naman ay pansamantalan na huwag po tayong mag-stay doon at ganoon din po sa lakas naman ng hangin at paguhon ng lupa.
05:21At kung may mga pagbaha, iwasan po natin hanggat maaari.
05:24Huwag po tayong lumusong sa baha.
05:26At kung hindi naman po maiwasan, kailangan talaga ay mag-ingat po tayo.
05:30Nandyan po kasi yung exposure natin sa mga diseases na related or associated dito sa mga pagbaha.
05:36At yun sa lahat po, ay mag-ingat po tayo.
05:40Alright, maraming salamat po sa inyong oras.
05:42Pag-asa weather specialist, John Manalo.

Recommended