- 6 weeks ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Pinanggihan ng Pasig Regional Trial Court ang hiling ng kampo ni Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Rapolo Qibuloy na ma-hospital arrest siya.
00:08Batay sa desisyon ng Pasig RTC Branch 159, nakatatanggap naman ng sapat na atensyong medikal si Qibuloy habang nakakulong sa Pasig City Jail.
00:17Wala raw silang nakikitang dahilan para isa-ilalim pa si Qibuloy sa hospital arrest.
00:22Na-clear din naman daw siya ng ospital noong Setyembre matapos dalin noon dahil sa pneumonia.
00:27Sinusubukan pa namin kunan ng pahayag ang kampo ni Qibuloy tungkol sa desisyon ng korte.
00:33Nahaharap si Qibuloy sa kasong qualified human trafficking sa Pasig RTC at paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act sa isang korte sa Quezon City.
00:44Dati na niyang itinanggi ang mga aligasyon.
00:47Itinanggi ni Tarlac 3rd District Rep. Noel Rivera na sangkot siya sa anumang katiwalian matapos ireklamo sa ombudsman ng Grupong United Pilipino Against Crime and Corruption.
01:00Sabi ni Rivera, malinis ang kanyang konsensya.
01:03Handa raw siyang harapin ang reklamo at sagutin ito.
01:07Hindi pa raw niya natatanggap ang opisyal na kopya ng reklamo.
01:10Sa kabila niyan, makikipagtulungan daw siya para ipaliwanag ang kanyang panig.
01:15Sinampahan ang patong-patong na reklamo si Rivera at ang kanyang asawang si Concepcion, Tarlac Vice Mayor Evelyn Rivera.
01:23Pati si DPWH Tarlac 1st District Engineer Neil Farala.
01:27Dahil sa pag-award ng halos 600 million peso infrastructure project sa kumpanya kung saan Presidente umano si Rivera.
01:35Sinusubukan pa namin kunan ng pahayag si Vice Mayor Rivera pati si Farala.
01:40Present ang ilang sparkle star sa red carpet premiere ng musical film na The Heart of Music.
01:51Kabilang dyan si Cruz vs. Cruz star Gladys Reyes na bigda sa pelikula.
01:57Kwento niya, very happy siyang maipakita ang kanyang creative side at ang pagsabak niya sa kantahan.
02:03Kasama niya rin sa cast ang co-stars niya sa Cruz vs. Cruz na sina Elijah Alejo at Jenny Gabriel.
02:10Present din sa Premier si Encantadia Chronicles Sangre star Angel Guardian, John Lucas at Maca Love Stream star Sean Lucas.
02:20Full support din sa Premier ng ilan pang kapuso stars.
02:22Bawal po yung ginawa ng batang nakasabit sa isang umaandar na tricycle sa National Highway ng Buluan, Maguindanao del Sur.
02:35Sa loob ng tricycle, kitang puno ito ng mga sakay.
02:38Ayon sa ilang residente, matagal na itong ginagawa ng mga estudyante kahit delikado.
02:43Sabay-sabay raw kasi ang uwian nila kaya sumasabit na lang ang ilan kapag puno na ang tricycle.
02:49Matagal na pong ipinagbabawal ng Land Transportation Office ang pagsakay ng pasahero ng higit sa kapasidad ng tricycle.
02:56Ayon sa Department of the Interior and Local Government, bawal din ang pagdaan ng mga tricycle sa mga National Highway,
03:02maliba na lang kung walang alternatibong ruta o may exemption ng lokal na pamahalaan.
03:07Patay ang isang lalaki matapos malunod sa isang sapa sa barangay Agtugop sa Asturias dito sa Cebu.
03:22Kwento ng pinsa ng Bikima, sinagip ng 35-anyos na lalaki ang nalulunod niyang 12-anyos na anak na higigop ng whirlpool o alimpuyo.
03:33Tinatayang pitong talampakan ang lalim ng sapa na malakas umano ang agos.
03:38Pagkatapos maligtas ang anak, ang biktima na ang higigop ng alimpuyo at tuluyang nalunod.
03:44Para mas siguro ang kaligtasan ng mga maliligo sa lugar,
03:47naglagay na ng lubid at life ring doon ang lukal na pamahalaan.
03:54Mahigit 43 billion pesos na halaga ng umanay marihuana cush at vape cartridges
03:59ang nasabat mula sa isang lalaki sa bypass operation sa Taytay Rizal.
04:05Na-resto ng polis siya ang sospek sa mismong bahay niya sa barangay San Juan.
04:09Doon din tumambad ang kilo-kilong marihuana cush, dried marihuana at vape na hinihinalang may marihuana juices.
04:18Bukod dyan, nakumpis ka rin mula sa sospek ang perang ginamit sa operasyon,
04:22mga gamit na pinaglagyan ng mga iligal na droga at ilang ID,
04:27kabilang na isang peke umanong driver's license.
04:30Tumanggi magbigay ng pahayag ang sospek tungkol sa krimen.
04:33Maarap siya sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
04:38Patuloy ang investigasyon ng polis siya ukol sa pinagkukunan ng mga iligal na droga ng sospek.
04:44Matindi ang problema sa backlog ng mga silid-aralan sa buong bansa.
04:51Nadiskubri yan sa Senate Budget Hearing ng Department of Public Works and Highways.
04:55Balitang hatid ni Maris Umali.
04:57Sa gitna ng pagkakaungkat ng mga substandard at mga ghost flood control project ng DPWH,
05:07lumabas din sa budget hearing ng DPWH sa Senado ang naka-alarmang kakulangan ng mga silid-aralan sa bansa.
05:13Ilan na po ang nagawang classroom ng DPWH for 2025?
05:20At ilan po yung projected na magagawa po ninyo for 2025?
05:24So, for 2025 po, out of 1,700 na dapat gawin, 22 pa rin po ang completed at 882 po ang ongoing.
05:37Okay, October na, seka.
05:41At meron pong 882 na not yet even started.
05:45So, it's a very deplorable rate of only 15.43%.
05:49Nasa 146,000 na kasalukuyang classroom backlog.
05:56Kung magpatuloy daw sa ganitong usad, babalang ni Sen. Aquino,
06:00posibleng umabot hanggang 200,000 ang kulang na silid-aralan pagsapit ng 2028.
06:06Dito halimbawa sa Batasan Hills National High School,
06:09na may pinakamalaking populasyon ng mga high school students sa buong Quezon City,
06:13mahigit labing apat na libong estudyante ang naka-enroll,
06:16at mayroon lamang 105 classroom.
06:19Kailangan pang magdalawang shift.
06:21Pukulangin po kami ng, kulang po kami ng 45 classroom pa.
06:27Nagsimula raw ang matinding kakulangan sa silid pagbalik ng in-person classes noong 2022,
06:32matapos ang pandemia.
06:34Nagpatupad sila ng blended learning modality,
06:36pero may umusbong na problema.
06:38Mababa po yung literacy at sa kanyumerasy ng mga bata.
06:43Sa dami po ng endrollies at kulang sa classroom,
06:48napipilitan ngayon yung mga schools na medyo masiksik yung mga bata sa classroom.
06:55Kumataas naman ngayon yung absenteesem.
06:58Hindi na sila komportable yung mga bata.
07:01Sinisikap daw ng mga eskwelahan na palakasin ang internet at magtayo ng learning hubs
07:05kung saan mananatili ang mga guro habang naka-online class.
07:08Pero importantean nilang matayo ang mga kulang na classroom.
07:11Ayon sa principal ng Batasan Hills National High School,
07:15tatlong taon nang may pending request ang paaralan sa DPWH
07:18na ipinadaan sa DepEd para sa mga karagdagang classroom.
07:22Pwede raw sana magpatayo ng mga bagong classroom dito sa bahaging ito.
07:27Pero ayon sa DPWH na bumisita rito kamakailan,
07:30hindi pa raw ito masisimulan dahil kailangan muna ang gibain
07:33ang dalawang gusaling ito na tatlongpong taon na ang edad
07:37bago pa masimulan ang mga bagong silid-aralan.
07:40Mapupo-straight cut paglalo sa mga delays na yan.
07:43Kaya lang syempre, alam namin na walang guarantee na darating
07:48so kailangan namin gumawa ng paraan para ma-address pa rin yung mga issue.
07:52Plano ng DepEd.
07:53Gusto na namin paguhin yung sistema dahil for since 2018,
07:57tanging DPWH lang ang nabigyan ng kapangyarihan gumawa ng DepEd classrooms.
08:02Ang gusto namin ngayon, pati isama na yung local government units.
08:05Palagi ko, mas bibilis yung proseso.
08:08Meron tayong pinopropose na public-private partnerships or PPPs.
08:13Alinsunod sa hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
08:18na mabigyan ng direct funding ang mga lokal na pamahalaan
08:21para sa pagpapatayo ng mga classrooms sa bansa,
08:25nakatakdang magkaroon ng Memorandum of Agreement
08:28ang DPWH, DepEd, at local government units upang mapatupa dito.
08:34Tulad daw ng pagtugon ng DPWH sa mga nasirang paaralan
08:38dahil sa mga kalamindad,
08:39ganon din ang gagawin nila sa pagtatayo ng mga silid.
08:42Kaya naman pala eh, nang mabilis.
08:45Kung gagawin nga nga, tututukan nga.
08:47That same principle, we're gonna apply also to address the backlog.
08:53Mariz Umali nagbabalita para sa GMA Integrated News.
08:59Inanunsyo ng kapuso host na si Kim Atienza
09:02ang hindi inaasahang pagpanaw ng kanyang anak na si Eman.
09:07Sa joint statement ng mag-anak,
09:09sinabi nilang nagdala si Eman ng labis na saya
09:12at pagmamahal sa kanilang mga buhay
09:14at sa lahat ng nakakakilala sa kanya.
09:17Ang authenticity ni Eman ay nakatulong daw
09:19para hindi maramdaman ng marami na sila'y nag-iisa.
09:23Sparkle artist po si Eman.
09:25Nakikiramay po ang programa kay Kuya Kim at sa kanyang pamilya.
09:32Mga init na balita,
09:36guilty ang hatol ng Bacor Cavity Prosecutor's Office
09:39sa aktor na si Archie Alimania
09:40sa reklamong acts of lasciviousness
09:42na isinampan ng actress-singer na si Rita Daniela.
09:45Wala pang kumeto ang kampo ni Alimania
09:47kaugnay sa desisyon.
09:49Dati nang sinabi ng piskalya
09:50na karamihan sa laman ng counter-affidavit ni Alimania
09:52ay pagtanggi sa mga aligasyon ni Daniela.
09:56Sabi naman ang kampo ng actress-singer,
09:58masaya sila sa desisyon.
10:00Inilaban daw yun ni Daniela
10:01at nakamtan niya ang hostisya.
10:11Hiniling ng kampo ni Dismiss Bamban Tarlac Mayor Alice Guo
10:14sa Pasig Regional Trial Court
10:16na payagan siyang lumabas
10:18pansamantala sa Pasig City Jail.
10:20Batay po sa mosyong inihain sa Pasig RTC Branch 167.
10:24Yan daw ay para makapagsampas si Guo
10:26ng reklamong estafa sa Provincial Prosecutor's Office
10:30sa Tarlac
10:30laban sa Baofu Land Development
10:33at mga stakeholder nito.
10:35Ayon sa kampo ni Guo,
10:36niloko siya na mga dati niyang kasosyo
10:38sa Baofu Land
10:39at pinalalabas pa na siya
10:42ang may kasalanan.
10:44Nangako ang kampo ni Guo
10:45na agad siyang babalik sa Pasig City Jail
10:48kung saan siya nakakulong
10:49dahil sa kasong qualified trafficking
10:51kaugnay sa mga umanoy iligal na aktibidad
10:54sa Pogo Hub sa Bamban.
10:56Baofu Land
10:57ang developer ng naturang Pogo Hub.
11:00Inamin noon ni Guo
11:02na incorporator siya sa Baofu Land
11:04pero nag-divest daw siya sa kumpanya
11:06bago tumakbo mayor ng Bamban noong 2022.
11:10Sinisika pa ng GMA Integrated News
11:12na kunin ang pahayag ng Baofu Land
11:14kaugnay sa reklamong isasampa ni Guo.
11:18Ilang pets ang naghatid naman
11:26ng kakata-cutan
11:28sa isang masquerade party
11:29sa Florida sa Amerika.
11:31Ang kanila kasing fur parents
11:32may paandar na costume
11:34sa mga alaga.
11:35Katingin nga.
11:40Yan no, suot ang kanikanilang costume
11:42maagang nag-trick or treat
11:43ang mga fur baby
11:44kasama ang kanilang owners.
11:46May naka-ala Elvis Presley
11:48at mga karakter na sikat
11:51sa pelikula.
11:53Ang iba naman.
11:55Kila laruan,
11:56hindi rin nagpahuli
11:57ang isang kabayo
11:58na naka-dragon costume
11:59habang nakabihis na Vikings
12:01ang kanyang fur parents.
12:04Ayon sa mga organizer,
12:05ang kikitayin sa event
12:06ay mapupunta sa isang animal farm
12:08na nag-aalaga sa rescued
12:09at adopted animals.
12:11Wow na wow!
12:20Mga pare at pare,
12:21mapapanood na this Sunday
12:22ang star-studded second part
12:24ng 30th anniversary special episode
12:26ng longest kapuso gag show
12:28na Bubblegap.
12:29Teaser yan sa upcoming skit
12:38ni Meme Vice Gandawid,
12:40Cherie Solomon
12:40and kapuso comedy genius
12:42Michael V
12:43as the iconic Mr. Asimo.
12:46Pasabog ang puksaan at tarayan.
12:48Chika ni Meme
12:49sa behind the scenes ng set,
12:51hindi kumpleto
12:52ang pagiging komedyante
12:53kapag hindi ka
12:54nakapag-bubble gang.
12:57Magiging guest din
12:58si former PBB housemate Esnir.
13:01Bukod kinamime at Esnir,
13:02maghaharap na rin this Sunday
13:04si Paulo Contes
13:05as Emil Maangil
13:07at 24 Horas
13:08Angkor Emil Sumangil.
13:10Makikisaya rin sa episode
13:12ang iba pang dating kabobble.
13:14Sabay-sabay natin
13:15niyang panuorin sa linggo
13:166.10pm sa GMA.
Be the first to comment