00:00Inabot nga po ng ating gabi ang maraming motoristang stranded dito sa North Luzon Expressway dahil sa baha.
00:06At sa ngayon po, possible na maraming daan doon base sa abiso ng Enlex Corporation.
00:12May unang balita si Jomer Apresto.
00:18Ganito karaming sasakyan ang tumirik sa southbound na bahagi ng Enlex malapit sa Paso de Blastol Plaza ng Valenzuela City.
00:25Yan ay kasunod ng pagbahan na naranasan sa lugar kagabi.
00:28Ayon sa SUV driver na si Bong, tulad ko rin na galing Bulacan at patungong Quezon City,
00:33pasado alas 8 roh kagabi nang mapansin niya na mataas ng tubig sa Enlex patungong Paso de Blastol Plaza.
00:47Agad lumika si Bong kasama ang kanyang mga pasahero at iniwan ang kanilang nabahang sasakyan.
00:51Sabi ni Bong, natagalan na pagresponde ng taga-Enlex sa mga katulad niyang inabutan ng pagtaas ng tubig sa expressway.
01:11Hahatake naman daw ng Enlex sa mga sasakyan tulad ng sa kanila patungo sa pinakamalapit na exit.
01:17Marami rin sasakyan ang naipit sa bahagi ng Enlex sa Maykawayan Tall Plaza.
01:20Yan ay matapos isara sa mga motorista mga tall booth dulot ng pagbaha sa Paso de Blast mag-aalas 7 kagabi.
01:27Sabi ng truck driver na si Ramil, alas 9 ng gabi nang isara ang tall plaza.
01:31Walang sinasabi. Basta galing ako sa highway, pinapasok ako dito, wala naman ako madahanan.
01:37Gumayon na lang ulit ako dito. Magkaantay na lang ako magbukas yan.
01:40Inabutan din na mahabang pila si Arman na magsusundo sana sa kanyang kapatid sa airport.
01:44Kaya karamihan sa mga motorista kanina, pinili na lang patayin ang kanilang makina habang naghihintay.
01:5812.54 am na nang buksan sa mga sasakyan ang Maykawayan Tall Plaza nang humupa na ang tubig baha sa Paso de Blast area ng Enlex.
02:06Pero dahil sa imbudo na ang mga na-traffic at tumirik na sasakyan, inabot pa ng mahigit 3 oras bago tayo nakarating sa Quezon City.
02:14Ito ang unang balita, Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
02:19Mga kapuso, tumutok lang po sa mga ulat ng unang balita para laging una ka.
02:23Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.
Comments