Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Pumasa mga PUV driver na maaprobahan ng pisong dagdagpasahe sa jeep.
00:04Napakalait na raw kasi ng kanilang kinikita dahil sa malaking taas presyo sa diesel.
00:09Live mula sa Mandaluyo, may unang balita si EJ Gomez.
00:13EJ?
00:19Ivan, ipinatupad ang unang beses na taas presyo sa mga produktong petrolyo kahapon.
00:25Dulot yan no ng mga hidwaan o kaguluhan doon sa Middle East.
00:29Apektado dyan ang mga kapuso nating choper na nagsabing malaki raw ang kitang nawala sa kanila.
00:41Mangiyak-ngiyak na nagkwento ng naging kita niya kahapon ang 50-anyos na jeep ni driver na si Tatay June.
00:48Ang naiuwi niya raw kasi nasa 300 pesos lang, kasunod ng mahigit 2 pisong taas presyo sa kada litro ng diesel.
00:56Malaki po epekto sa amin yun kasi imbis na yung itinas nila, may babaon na ng mga bata yun, dagdag sa gastusin sa bahay.
01:05E wala sa kanila pa napunta.
01:07Namamasada raw siya ng biyahing Ed sa Pasig Palengke simula alas 4 ng madaling araw hanggang alas 5 ng hapon.
01:14Ang dating 1,800 pesos na kita niya, naging 1,500 pesos na lang daw kahapon.
01:20800 pesos dyan ay ginastos niya sa diesel.
01:24Ang 400 pesos ay napunta sa boundary, kaya 300 pesos lang ang take-home niya.
01:29Para nga raw din na gumastos sa pagkain, hinahatiran na lang siya ng anak niya ng pananghalian araw-araw.
01:36Sabi naman ni Alex na labing apat na taon ng choper, 2,000 pesos ang kinita niya sa pamamasada hanggang alas 6 ng gabi.
01:43Pero ibinawas pa ang pang-diesel, boundary, parking fee at pagkain.
01:49Ang natira, 350 pesos na lang.
01:52Ang laking kawalan talaga.
01:54Traffic po.
01:56Pag ang traffic, lalong nababawasan ang lumalaki mga diesel, palaati na naman.
02:02Laman tayo magkagawa.
02:03Kung yan ang ano eh, hindi naman tayo pwedeng tubig lagay natin yan.
02:07Umaasa raw siya sa inanunsyo ng LTFRB na karaang linggo na pisong taas pasahe.
02:12Para naman daw kahit papano, madagdaga ng kita.
02:16Pero matupad man, di pa rin daw yun sapat.
02:19Ako nga, kahit matanda na, hahanap buhay pa para lang kumita.
02:24Kung hanggang mula nung pagkabata ko, ganito na talaga hanap buhay.
02:28Hanggang ngayon, di pa rin nung maasinso.
02:30Hanggang pagkabata kasi, hanggang ngayon tumanda na, hindi ko mananaralasan na makaginhawa sa buhay.
02:38Staggered ang ginawang pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
02:42Kahapon, 2 pesos at 60 centavos ang itinaasa kada litro ng diesel.
02:47Bukas, ipatutupad ang ikalawang bagsak na kaparehong presyo.
02:50Ivan, nagkaroon na rin daw ng pagpupulong yung ilang ahensya ng pamahalaan gaya na lang ng Energy at Agriculture Department para talakayin yung subsidy program ng gobyerno para sa mga apektadong sektor ng taas presyo sa langis.
03:13Sabi ng mga nakausap natin, superno, tanong nila, 300 pesos yung kitang na iuwi nila sa kanila mga pamilya kahapon.
03:23E bukas, makalawa at sa mga susunod na araw, magkano na lang daw kaya?
03:29Paano na lang daw sila?
03:30At yan, ang unang balita mula rito sa Mandaluyong City.
03:35EJ Gomez, para sa GMA Integrated News.
03:39Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
03:44Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.

Recommended