00:00Dahil sa tuloy-tuloy na pagulan, lubog sa baha ang malaking bahagi ng Kamanava.
00:05Saksi si Mark Salazar.
00:10Tanghali ng biglang bumuhos ulit ang malakas na ulan sa Kamanava area.
00:14Naka-orange rainfall warning na noon ng Metro Manila.
00:18Mga kalahating oras lang na tuloy-tuloy na pagulan,
00:21bumubulwak na ang mga kanal dahil hindi kinakaya ng drainage system ang tubig-ulan.
00:27Biglaan din kung tumaas ang tubig ng San Juan River,
00:30kaya may pagkakataong nagpukumahog sa pag-evacuate ang komunidad sa gilid ng Dario Bridge sa Quezon City.
00:38Kabilang sa inilikas kanina ang bedridden at stroke patient na ito na may tubo pa sa ilong.
00:47Sa maghapon, tumukod ang traffic sa dami ng kaling lubog sa baha,
00:52lalo na ang EDSA Balintawak sa Quezon City.
00:55At sa C4 Road sa Malabon.
00:59Ilang mga estudyante ng Kaluoka nang nahirapan sa pag-uwi galing sa morning shift.
01:04Meron din namang mga estudyante na nag-enjoy pa.
01:07Pasok!
01:08Meron!
01:09Meron!
01:10Mayroli!
01:10Mayroli!
01:11Ay, pati ka pa umuwi!
01:14Ha?
01:15Uwi na, basa na ang leather shoes mo!
01:17Tila mas laro talaga ano ang nakikita ng mga bata sa baha kesa panganib ng kung ano-anong sakit.
01:30Akala mo nga resort itong P. Aquino Avenue sa Malabon sa dami ng batang naglalangoy sa baha.
01:36Sa maghapong uulan, titila, uulan, hindi na bumaba ang baha na may kasamang tubig dagat sa paligid ng Malabon City Hall,
01:47lalo na sa Malabon Central Market.
01:49Pasado alas 3 ng hapon, ganito naman ang eksena sa MacArthur Highway.
02:14Malalaking sasakyan lang ang nakakatawid sa bahang umabot hanggang tuhod.
02:19May mga motor na tumirik, kaya ang ibang rider tinawid ang baha nang nakapatay ang makina ng motor.
02:25Para sa GMA Integrated News, ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi!
02:33Mga kapuso, maging una sa saksi!
02:36Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
02:43Mag-s Preis.
Comments