00:00Bukas na po sa publiko ang Track and Field Facilities ng Philippine Sports Commission sa Maynila, sa Pasig at sa Baguio.
00:08Kasunod po yan ang sinabi ni Pangulong Bawang Pong Marcos sa kanyang zona na gusto niyang mainganyo ang mga Pilipinong mag-ehersisyo.
00:16Saksi si Jamie Santos.
00:18Sa kanyang State of the Nation adres noong lunes, may hamon si Pangulong Marcos sa mga Pilipinong 20 taong gulang pataas.
00:30Nakikita natin ang sobrang pagtaas naman ang timbang ng ating mga kababayang edad 20 at pataas.
00:38Kaya sikapin natin maging mas aktibo ang ating pamumuhay araw-araw.
00:43Para makatulong, hinimok ng Pangulo ang local government units na lumikha ng mga aktibidad na nagsusulong ng malusog na pamumuhay sa kani-kanilang mga komunidad.
00:53Ipalaganap natin ang mga pagsasagawa ng mga palaro, mga paliga, fun run, fun walk, pati mga aerobics, pasumba.
01:02Bilang tugon sa panawagan ng Pangulo, pinuksan na sa publiko ang Philippine Sports Commission Track and Field Facilities sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.
01:11Philippine Sports Arena Complex sa Pasig City at PSC Baguio Teachers Camp.
01:17Libre itong magagamit mula alas 3 ng hapon hanggang alas 10 ng gabi araw-araw.
01:23Kanina, marami kaming inabutang hindi atleta ang tumatakbo at nag-eehersisyo sa Oval na Rizal Memorial Sports Complex.
01:31Much better dito, mas safe kasi compared doon sa labas.
01:36Ako kasi may sakit na diabetes, kailangan din. Pinapayo din kasi ng mga doctors yan.
01:41Marami raw beneficyo ang pagtakbo at ehersisyo ayon sa ilang nakausap ko.
01:46Ang saya na for the running community, ang laking tulong sa amin.
01:50Lalo na dati sa labas lang kami tumatakbo, medyo dangerous kasi mawala mga banketa, mga sasakyan.
01:56Umahaba yung buhay natin while we're running, maganda yung brain natin.
02:00Instead na gumasta sa gym, ito libre lang siya. We just walk or run. Depends on us kung paano yung pacing.
02:07Running is a relaxing sports talaga. Kahit walk lang, nakakapagpapawis and it's a good thing for overhaul health talaga.
02:17Dagsaraw ang mga tumakbo ng buksang ito kahapon.
02:20Kahapon po, umabot po tayo ng isang daan. So medyo masaya po kami kasi unang-una pa lang ng pagbukas.
02:27Marami na pong nainggan yung pumasok, tumakbo. Sa ngayon ma'am, parang nadubli po yung bilang kahapon.
02:34Ano po yun na hindi kasama po dyan yung bilang natin sa atleta?
02:37Hindi po, kasama yung mga atleta natin na nag-training din po.
02:42Para sa GMA Integrated News, Jamie Santos ang inyong saksi.
02:48Mga kapuso, maging una sa saksi.
02:50Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
02:57Mga kapuso, maging una sa saksi.
Comments