Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Sa ibang balita, nasa Amerika na si Pangulong Bongbong Marcos para sa pulong nila ni U.S. President Donald Trump.
00:06At live mula sa Washington, D.C. sa Amerika, may ulap on the spot si Sandra Aguinaldo.
00:12Sandra!
00:16Yes, Rafi, dubating nga si Pangulong Bongbong Marcos dito sa Amerika ng 2.48pm.
00:23Linggo po yan dito pero 2.48am ng lunes dyan sa Pilipinas.
00:30Sinalubong po siya ni U.S. Ambassador to the Philippines, Mary Kay Carlson.
00:35At Philippine Ambassador to the United States, Jose Manuel Romualdez.
00:41Nananatili si Pangulong Marcos sa Blair House kung saan din tumuloy ang mga magulang niyang sinadating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
00:48at dating First Lady Imelda Marcos sa kanilang state visit noong 1966.
00:55Makakapulong ni Pangulong Marcos Jr. sina U.S. Secretary of State Marco Rubio at U.S. Defense Secretary Pete Hegseth sa Pentagon.
01:03Sa oras sa Pilipinas ay mamaya na po yung 7pm mangyayari.
01:08July 22 naman, magkikita sina Marcos Jr. at Trump sa White House.
01:13Ito ang unang bilateral meeting ng dalawang presidente mula nang magsimula ang ikalawang termino ni Trump noong Enero.
01:20Ang pagbisita ng Pangulong sa Amerika ay sinalubong ng kilos protesta mula sa ilang grupo.
01:26Tila inuna raw kasi ni Pangulong Marcos Jr. ang economic at military interest ng Amerika kesa sa interest ng Pilipinas.
01:34Sinisikap pa namin kunin ang pahayag ng Malacanang kaugnay nito.
01:37Sabi naman ni Ambassador Romualdez, nire-respeto niya ang salubin ng mga nagkilos protesta.
01:44At sabi pa nga niya, mas magugulat siya kung hindi sila nagprotesta rito.
01:48Dagdag niya, pag-uusapan din kung paano makikinabang ang Amerika at Pilipinas sa itsas-isa habang isinusulong ang kanikanilang interes.
01:57Narito po ang pahayag ni Ambassador Romualdez.
02:00Hindi na pwede yung anong pwede natin makuha sa isang bayan.
02:07Kailangan ano yung tama para sa dalawa.
02:11Pero most important, yung anong mas mabuti para sa atin.
02:14It will be more on discussions on how we can continue to cooperate with the United States, our major ally.
02:22At the same time also, I think President Marcos would like to see how we can work with the United States and other countries that have the same mindset as far as the West Philippines is concerned.
02:35Raffi, sa ngayon ay nananatili nga sa Blair House si Pangulong Marcos at kanina nagkaroon siya ng pagpupulong sa ilang miyembro ng kanyang gabinete.
02:49At sinasabi sa atin, Ambassador Romualdez ay mahalaga yung imbitasyon ng Amerika na manatili siya sa Blair House dahil hindi daw lahat ay naiimbitahan doon.
02:59Bagamat in the past daw ay nakastay na rin doon si dating Pangulong Cory Aquino at dating Pangulong Gloria Arroyo.
03:06Raffi?
03:07Sandra, nabanggit ni Ambassador yung isyo sa West Philippine Sea. Anong inaasahan nga matatalakay tungkol dyan?
03:16Sa ngayon, Raffi, wala silang specific na sinasabi kung ano talaga yung points of discussion tungkol dyan.
03:24Pero ang sinasabi niya kasi patuloy naman yung negosasyon at pag-uusap, katunayan bumibisita sa Pilipinas ang mga US high-ranking, US defense officials at patuloy ang komunikasyon.
03:37Ang sinasabi niya ay kumbaga magbibuild lang sila ng pag-stronger alliance.
03:43At dahil naman daw, meron tayong mga agreement naman na existing at sa tingin niya, ang dalawang leader ay pa-iigtingin lamang o patitibayin ang alyansa na yan.
03:55Raffi?
03:55Sandra, tungkol naman doon sa 20% reciprocal tariff, observation kasi ng ilan, may mga kapit-bansa tayo dito sa regyon na nakipag-dikosasyon sa Amerika,
04:05na hindi nagtutungo sa Amerika yung kanilang mga leader na pabababa yung porsyento ng tarifa na ipinataw sa kanila ng Amerika.
04:12Ito bang pagtungo ng Pangulo dyan sa Washington na mas mangunghulugan na may chance na mapababa talaga itong taripan na ipapataw ng Amerika sa Pilipinas?
04:25Naitanong din yan kanina, Raffi, kay Ambassador Rombualdez.
04:29Ang sinasabi niya ay bago pumunta rito ang Pangulo ay may mga pag-uusap na yung mga ranking officials din natin at ng Amerika.
04:38Kumbaga, meron ng gumugulong na pag-uusap at dito daw sa paghaharap nila ay muling ma-re-raise yung kung ano man yung naging resulta ng mga pag-uusap na yun.
04:50Pero, Raffi, sa ngayon, wala rin siyang masabi kung meron bang agreement na talagang nabubuo sa pagitan ng dalawang bansa.
04:58Raffi?
04:58At, Sandra, apektado rin yung mga Pinoy sa mahigpit na immigration policy ng Amerika. Anong nga mapag-uusapan dyan?
05:08Yan, Raffi, ang sinabi sa atin ni Ambassador Rombualdez kasi kasama siya sa talagang paghahanda dito sa pagbisita ng Pangulo.
05:16Pero sabi niya, hindi na mapapag-uusapan yung issue ng immigration na naging controversial nga rin dito sa Amerika.
05:24Ah, bagamat sinasabi niya ay patuloy lang din naman na nakikipagtulungan ang Pilipinas sa U.S. government.
05:31At, sabi nga niya, meron daw ngayong identified ang kanilang immigration and customs office
05:39kung saan mahigit tatlong libong Pilipino yung monitored nila na hindi naman daw nakakulong pero for deportation na.
05:47Pero, yun nga, sabi niya, ang issue na yan ay talagang hindi mapag-uusapan sa pagitan ng dalawang leader.