00:00Sa ating balita, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:04ang operations at maintenance project ng 147.26 km North South Commuter Railway o NSCR
00:12mula Clark Pampanga hanggang Calambalaguna.
00:15Sa ilalim ito ng Build Better More Agenda.
00:18Pinagtibay ang desisyon sa ikalawang pulong ng Economic Development Council
00:21na pinungunahan ni Pangulong Marcos.
00:24Ipatutupad ang proyekto sa pamamagitan ng public-private partnership.
00:28Layunin ang ONM project na masiguro ang mabisa, maaasahan at sustainable na operasyon ng railway system
00:35na may 35 istasyon, kasama pa ang mga depot sa Clark, Valenzuela at Calamba.
00:41Sa opening year, inaasahang makakapagservisyo ito sa hanggang 800,000 na pasahero araw-araw
00:47na maaaring umabot sa 1 milyon.
00:49May commuter service na may 51 train sets na kayang maservisyohan ang 2,242 na pasahero bawat isa
00:58at limited express na may 7 train sets na kaya naman ang 386 na pasahero bawat isa.
01:05Sa pamamagitan nito, inaasahang bababa sa tatlong oras ang biyahe mula Clark patungong Calamba
01:11habang 2 oras naman ang biyahe mula Clark hanggang Alabang.
01:15Inaasahang magsisimula ang pre-operations ng proyekto sa March 2026
01:20habang sa Enero ng 2032 ang full operations.