00:00Confirma ni Sen. Bam Aquino na posibleng umanib siya
00:03at si Sen. Kiko Pangilinan sa mayorya ng Senado.
00:07Sa kanyang programa sa radyo, sinabi ni Aquino na
00:09kailangan nila kasing makuha ang mga gusto nilang kumite sa Senado.
00:14Kahit naman daw mapunta siya sa majority block,
00:17mananatili siyang independent.
00:19Kalyado pa rin naman daw siya ng Liberal Party at Akbayan Party.
00:23Si Pangilinan naman sinabing magbibigay siya ng pahayag tungkol dito sa July 28
00:27sa pagbubukas ng 20th Congress.
00:30Sa isang Facebook post, sinabi niya na
00:32ang ipinangako niya noong kampanya
00:34ay pababain ang presyo ng mga produkto at palakasin ng agrikultura.
00:40Ito raw ang magiging batayan ng kanyang desisyon
00:42at hindi ang pansariling interes.
00:45Para kay Sen. Risa Ontiveros,
00:47na nag-alok kina Aquino at Pangilinan na bumungo sila ng independent block,
00:51walang samaan ng loob kahit hindi ito mabuo.
00:54Sinabi rin ng Senadora na bukas siyang umanib sa tinatawag na veterans block.
Comments