00:00Inulaan ng malakas ng ilang bahagi ng Cebu kahapon dahil sa hanging habagat.
00:04Nagdulot po yan ang bahas sa iba't ibang lugar doon.
00:07Narito ang unang balita.
00:15Rumaragasa ang tubig sa pababang bahaging yan ng kalsada sa Cebu City kahapon.
00:19Ayon kay U-Scooper Daisy Salyot, Manalag, dahil yan sa walang tigil na ulan sa lungsod.
00:25Marami ang strande dahil sa baha.
00:27Ang isang motorcycle rider, itinulak na lang sa kalsada ang kanyang motor.
00:31Makikita rin sa mas mataas na bahagi ng kalsada, ang mga motor na doon muna ipinarada.
00:36Sakuhan namang ito sa isa pang kalsada, kasabay ng agos ng baha ang mga basura.
00:41Hanggang dibdib naman ang tubig sa barangay Basak, Pardo.
00:45Binaharin ng Talisay City sa Cebu.
00:47Pinasok pa ng tubig ang ilang bahay at establishment roon.
00:51Mabagal naman ang daloy ng trapiko sa Mandawis, Cebu dahil din sa baha.
00:54Ang ilang residente, tulad ni U-Scooper Hill, Antecristo, sumilong na lang muna habang hinihintay ang pagtila ng ulan.
01:01Dahil sa baha, nag-abiso ang City Command Center sa mga motorista,
01:04kaugnay sa mga kalsada ang hindi muna nadaraanan.
01:07Malakas din ang ulan sa Lapu-Lapu, Cebu na nagdulot din ang baha sa ilang kalsada.
01:11Ayon sa pag-asa, hanging habagat ang nagdulot ng malakas na pag-ulan sa iba't ibang bahagi ng Cebu.
01:18Ito ang unang balita, Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
01:22Gusto mo bang mauna sa mga balita?
01:26Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments