00:00James Paulyap
00:30Landfall nga ang Bagyong Tino sa Silago Southern Leyte.
00:33Sa Surigao City naman, nawala ng supply ng kuryente ilang oras bago mag-landfall ang bagyo.
00:39Kagabi pala ang ramdam na sa buong Surigao City ang hagupit ng Typhoon Tino.
00:43Ilang puno ang nabuwal dahil sa lakas ng hangin.
00:46Dalawang sasakyan naman ang nawasak matapos madaganan ng natumbang punong kahoy sa Surigao del Norte Capital Complex.
00:53Nakahambalang naman sa National Highway ng Surigao City ang punong ito ng aming maabutan.
00:58Mas lumakas pa ang hangin pagdating ng alas 10 ng gabi.
01:02Halos lipa rin na ang bubong ng covered court sa Surigao City West City Central School
01:06na nagsisilving evacuation center para sa mahigit isang daan na pamilya mula sa barangay San Juan sa Surigao City.
01:14Nawala ng supply ng kuryente ang buong syudad bago mag-alas 11 kagabi dahil sa malakas na hangin at ulan
01:20at hanggang ngayon ay hindi pa ito na ibabalik.
01:23Ayon sa CDRRMO Surigao City, wala pang naiuulat sa kanila na mga pinsala,
01:29dulot ng bagyong tino at nagpapatuloy pa rin daw ang kanilang post-disaster assessment.
01:34Igan, sa ngayon ay nagiging mabuti na ang panahon dito sa Surigao City
01:38at may ilan na ring maliliit na negosyo na nagsisimula ng magbukas ulit.
01:43Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
01:54para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Comments