00:00Inilikas ang ilang residente ng ilang lungsod sa Cebu Province dahil sa pagbaha.
00:06Sa Barangay Mabolo, sa Cebu City, umabot hanggang dibdib ang taas ng tubig.
00:10Nalubog pa ang ilang sasakyan na nakaparada sa kalsada.
00:14Para makatulong sa pagrescue, gumamit ng lubid ang mga tauhan
00:17ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office.
00:21Sa Barangay Pardo naman, kulay gray ang kulay ng baha.
00:24Ayon sa isang residente, posibleng galing ito sa isang quarry site.
00:27Nag-deploy rin ng mga tauhan ang mandawe CDRMO para sa paglikas sa mga binahang residente.
00:34Sa Barangay Ibabaw, estansya, mahigit 60 pamilya ang inilikas.
00:38Sa Talisay City naman, inanod ng baha ang ilang nakaparadang sasakyan sa kalsada ng Barangay Bulakahaw.
00:45Stranded naman ang ilang motorista kahapon dahil sa paghuhunang lupa sa Barangay Lagtang.
00:51Nadaraanan na ito sa ngayon kasunod ng Clearing Operations.
00:54Gusto mo bang mauna sa mga balita?
00:59Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments