00:00Philippine Coast Guard, naniniwala na malaking tulong ang Remotely Operated Vehicle o ROV
00:05para mapadali ang pagkahanap sa umano'y labi ng mga nawawalang sabongero sa Taal Lake.
00:10May report si Gab Villegas.
00:15Nagsagawa ang Philippine Coast Guard ng kanilang initial assessment
00:18sa paggamit ng Remotely Operated Vehicle o ROV
00:22para sa pagkahanap sa labi ng mga nawawalang sabongero sa Taal Lake.
00:26Layan ng assessment, natignan ang kakayanan nito sa pagkahanap sa Burak at Putik sa Lawa.
00:33Ayon sa PCG, kaya nito na lumubog ng isang libong talampakan at tumagal lang hanggang apat na oras
00:40kumpara sa mga technical divers na kaya lamang tumagal lang hanggang isa't kalahating oras.
00:46Dahil dito, posible pang ma-extend ang identified searching area para mapalawak pa ang pagkahanap.
00:52Sa pinakauling bilang, aabot na sa limang sako na naglalaman ng buto ang nakuha ng PCG mula sa lawa
00:59at ito ay nasa pangangalaganan ng SOCO para isailalim sa Forensic Investigation
01:05upang alamin kung buto nga ba ng tao ang nakuha mula sa lawa.
01:09Ibabahagi ng PCG ang resulta ng kanilang naging assessment sa paggamit ng ROV.
01:15Gabo Milde Villegas para sa Pambasang TV sa Bagong Pilipinas.