00:00Binubuhay sa Kamara ang panukalang cha-cha o charter change.
00:04Inaimbisigan na rin ang issue ng missing sa Bungeros.
00:07Kasabay ng panawagang ipagbawal ng online gambling sa bansa.
00:11Yan ang ulat ni Mela Les Moras.
00:14Muli na namang nabuhay ang usapin ng charter change sa Kamara.
00:19Ito ay matapos ihain ni Ako Bicol Partylist Representative Alfredo Garbin Jr.
00:24ang Resolution of Both Houses No. 1 na naglalayong ma-amiendahan ang territorial at economic provisions ng konstitusyon.
00:32So merong konting pagbabago dahil yung ating ifenile at naipasaan ng 18th Congress na Resolution of Both Houses No. 2
00:41only covers the amendment to restrictive economic provisions.
00:47but this time around the RBH 1 includes the amendment to Article 1 which is the National Territory.
00:57So ang atin dito is the provisions of the Constitution, specifically Article 1,
01:05should conform to the United Nations Convention on the Law of the Sea.
01:11Ayon kay Garbin, para sa iba yung pag-unlad ng bansa, kailangan na talagang ma-amiendahan ang ating saligang batas.
01:19Hindi rin naman anya kasama ang political provisions, kaya't sana'y magtuloy-tuloy na ngayon ang pagpasarito.
01:25Eh lahat, pinagbubuni yung panalo ng arbitrar tribunal case, di ba?
01:32Eh, anong ikakasama kung i-expressly incorporate natin sa Article 1 yung pagsasaad ng exclusive economic zone
01:41and the continental shelf over which the Philippines has sovereignty.
01:46It is always the right time to do the right thing, ano?
01:48Walang ibang timing ang paggawa ng tama. Palaging tama pag, palaging tamang panahon pag tama ang ginagawa.
01:57Si Manila 6 District Representative Bienvenido Abante Jr. naman, supportado rin ang chacha.
02:03Sa katunayan, gusto niya rin maging principal author nito.
02:06Bukod dyan, ilang panukala at resolusyon din ang inihain ni Abante.
02:11Kabilang na riyan ang House Resolution No. 53 na nagtutulak na maimbestigahan na ang issue ng mga mising sabongero sa bansa.
02:18At House Bills No. 1876 at 1877 na nagsusulong naman sa tuluyang pagbabawal sa online at off-site gambling maging sa advertisement at promosyon nito.
02:29Napakalaki ng social cost, napakalaki ng human cost na ginagawa niya sa ating lipunan.
02:35Oo, kaya dapat na talagang itigil na ito.
02:39Sa panig ng Senado, isa rin si Sen. Rafi Tulfo sa mga nagsusulong na ipagbawal na ang online gambling na inilarawan pa niya bilang epidemic.
02:48I'm filing a bill na total stop, hindi yung regulated, hindi yung strictly regulated.
02:56For me, no. It has to stop. Grabe na.
03:00Kailan tayo titigil kung bagsak na ang ating bansa?
03:05Para sa kalaman ng lahat na meron tayong sakit sa ating lipunan sa pamagitan ng epidemic,
03:13kung tawagin ko, itong online gambling.
03:16Sa July 28, formal nang magbubukas ng sesyon ang Kongreso at inaasang masusundan na rin yan ng mga pagdinig dito sa kamera.
03:25Mela Les Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.