00:00Una po sa ating mga balita, tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr. ang buong suporta ng kanyang administrasyon sa Phase 4 ng Malampaya Drilling Project na makatutulong para mapatatagpa ang supply ng natural gas sa bansa.
00:15Sa katunayan, kahapon ay nagsagawa ang Pangulo ng fly-by sa Noble Viking Drilling Rig. Guit ni President Marcus Jr., 20% ng kuryente sa Luzon ay nanggagaling sa Malampaya Gas Field na siyang nagsusupply ng enerhiya sa mga tahanan, paaralan, ospital, opisina at paprika.
00:36Ngunit habang unti-unti nang nauubos ang reserba nito, kinakailangan na anya ang agarang aksyon para matiyak ang patuloy at abot kayang kuryente para sa bawat Pilipino.
00:47Kahit giit ng Pangulo, buo ang suporta ng pamahalaan para matapos sa itinakdang panahon ang naturang proyekto upang mapakinabangan agad ang mga bago mapagkukunan ng gas.
00:58Ang Malampaya Phase 4 ay bahagi ng mas malawak na plano ng gobyerno upang paigtingin ang energy security ng Pilipinas sa gitna ng lumalaking demand sa kuryente.
01:09Ang Noble Viking ay isang high-tech drilling vessel na kasalukuyang gumagawa ng exploratory drilling sa West Philippine Sea.