00:00Mga kapuso, ika-anim na araw na po ngayon ay sinasagawang search and retrieval operations ng Philippine Coast Guard
00:06dito sa Taal Lake Central Fishport dito sa Laurel, Batangas
00:10para nga sa pagkahanap ng mga nawawalang mga sabongero.
00:14Mamayang alas 8 po ng umaga ay magre-resume itong kanilang operasyon
00:20at kabila nga sa mga gagamitin ng mga diver ng Philippine Coast Guard
00:24ang Remotely Operated Vehicle o ROV na dumating na nga po kahapon.
00:30Kaya po nitong umabot hanggang 1,000 feet at kumuha ng mga bagay na may bigat ng hanggang 10 kilo.
00:37Kayo rin itong mag-operate ng ilang oras ng tuloy-tuloy.
00:42Ito raong gagamitin nila sa mga identified location base sa intelligence information na natanggap ng kanilang ahensya.
00:48Kahapon, wala po ulit na iangat na kahinahinalang bagay ang mga diver ng PCG
00:53at naglagay ng boya bilang palatandaan ang kanilang mas malawak na search grid.
00:59Iginit din ang PCG na maingat sila kapag nakakakita na mga kahinahinalang mga bagay sa Taal Lake
01:05para mapangalagaan ang mga makikita ang ebidensya.
01:08Kinumpirma naman ng Philippine National Police na may kahalong mga buto ng tao
01:13yung limang sako na nakuha mula sa Taal Lake ng mga technical divers sa paligid nga ng lawa.
01:20At nagsasagawa na raw sila ng cross-matching ng DNA samples ng mga kaanak ng mga missing sabongeros
01:27na nasecure nila ito mula sa DNA samples ng labindalawang mga kaanak ng nawawalang sabongero nga.
01:33At kung tutugma ang mga sample na ito sa kanilang findings,
01:36dito mapapatunayan ang mga nawawalang sabongero nga ay itong tinutukoy ni Don Don Patidongan
01:42na pinatay daw noong 2021.
01:46Sa kasalukoy na hinihintay na lamang ng PNP ang opisyal na resulta ng forensic group
01:49sa isinagawang forensic exam sa mga human remains na nakuha mula sa ilang araw na retrieval operations
01:56sa kaya naman na mga na-recover nilang limang sako na na ipinadala nila agad
02:03sa PNP Forensic Crime Laboratory sa Camp Crame para sa gagawin nga.
02:06Sinasagawa na pong forensic exam sa mga natagpoang buto.
02:10Ayon sa PNP, nakasecure na raw sila nga ng DNA samples
02:14at hinihintay na lamang itong resulta ng forensic exam.
02:19Gusto mo bang maauna sa mga balita?
02:22Mag-subscribe na sa JMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments