00:00Mga kapuso, kapag tayo po'y dadalo sa isang burol o kaya sa isang libing ng isang yumao,
00:06ang tawag po dyan sa wikang ingles ay paying our last respects,
00:10pagbibigay ng paggalang sa yumao.
00:13At tuwing undas po, tayo magtutulos ng kandila para igalang,
00:17bigyang respeto ang kanilang alaala.
00:20Pero paano kung ang sementeryo, kung saan nakahimlay,
00:23ang yumao ay ganito ang sitwasyon.
00:25Tulad po na nakikita ninyo, ang nakikitatayoan ay ang San Jose Public Cemetery dito sa Kalumpit, Bulacan,
00:32na sa nakalipas na apat na taon, ay halos hindi na ho nawawala ang tubig dito.
00:37At ngayon nga po, October 31, araw po ng mga patay bukas,
00:41pero wala hong bumibisita dito dahil tulad ng maiisip siguro ninyo, talagang napakahirap.
00:47Pagpunta pa lamang dito, ay talagang malaking hamon na.
00:51Isa po sa mga nakilala natin dito,
00:53So, ma'am, good morning po.
00:57Kayo po si...
00:59Carmelita Alvarez po.
01:00Si Aling Carmelita, dinadalaw po niya ngayong araw ang kanyang yumaong ama.
01:06Mga lolo ko po at saka po ang akong tiyuhin.
01:09Apo, ay, sige po.
01:11Nakita ko, kwento niyo ko kanina, last month lang, inilibing yung tiyuhin.
01:16Ngayon pong buwan ng October 7 po.
01:18Ah, ngayon lang, oo, oo, oo, po.
01:21Gano'n po kahirap?
01:22Pakilarawan nga po yung ganito.
01:24Kasi kami nakikita ko siguro ng mga kapuso natin sa telebisyon,
01:28ang hirap naman yan, ang laking perwisyon naman yan.
01:31Para po sa inyo na taon-taon tinitiis nyo ito, gano'n kahirap?
01:33Ah, sa ngayon po kasi, kami po ay nalulungkot sa pangyayaring ito dahil dati-dati naman po eh,
01:42kami ay nakakapaglinis, nakakapagayos ng mga puntod, pintura.
01:46Ngayon po, halos hindi na po namin mapuntahan dahil po kami po eh lubog nga po sa tubig.
01:53Ah, ang ginagawa lang naman po namin eh,
01:56magtutulos na lang po muna kami sa bahay para po kahit paano,
02:00doon po ay maalaala namin sila.
02:01Sa katunayan nga po eh, napakahirap po para sa amin na ganito yung maging sitwasyon ng mga mahal namin sa buhay na
02:08pupuntahan namin sa simenteryo, hindi namin alam kung safe ba yung tubig o hindi.
02:14Dahil ito po yung nagiging sitwasyon namin.
02:18Kaya po, sa aming mga kababaryo, dito po sa aming, sa barangay,
02:25nahihirapan po kaming tanggapin na ganito yung sitwasyon namin.
02:29Eh, ito nga po, pero gano'ng kahalaga po na kahit minsan lang sa isang taon ay napapasyalan nyo yung puntod na inyong mga yumao?
02:37Iyon po talaga yung mabigat sa kalooban na sa minsan sa isang taon, November 1,
02:43dapat po talaga na papasyalan namin.
02:45Kasi ito po yung panahon na lahat po ng magkakamag-anak, nagkikita-kita,
02:51dumarating para maging isang buong pamilya at madalawang buong pamilyang nandito sa sementeryo.
02:59Hindi po nagagawasan ngayon dahil sa sitwasyon po namin.
03:05Maraming salamat po sa pagbahagi na ninyo sa loobin, Ma'am.
03:07Salamat po, sir.
03:08Thank you po, Aling Carmelita.
03:09Nakausa po natin si Aling Carmelita na isa sa mga nagtitiis sa ganitong sitwasyon
03:14ng kanilang public cemetery dito sa Kalumpit, Bulacan.
03:18Sa punto ito, kausapin naman po natin si Kagawad Ato Aguilar.
03:22Sir, please join me.
03:23Siya po ang tagapamahalan nitong sementeryo.
03:26Matanong ko po muna, nabanggit natin kanina,
03:30mayigit dalawang libo ang nakahimlay dito.
03:32Naglilibing pa po ba kayo dito?
03:33Sa ngayon po, nakakapaglibing po.
03:35Kaya lang po ang problema.
03:37At tulad nito, nakikita niyo, sitwasyon ng sementeryo namin.
03:40Nakakalungkot po dahil ang paglilibingan ay babad sa tubig.
03:45Ayun nga po, itatanong ko sana.
03:47Paano po kayo maglilibing?
03:49Paano? Maghukay pa kayo sa lupa?
03:51Paano yung tubig?
03:52O hindi na? Pinapatong nyo na lang?
03:55Pinapatong na lang po.
03:56Kasi po, wala pong paglalagyan talaga.
03:57Katulad po nito, nakita niyo naman yung sitwasyon.
04:00Napakahira po.
04:00Ano ba nangyari dito? Bakit nagkaganito?
04:05Ang sinasabi ko ng mga taga rito, last 4 or 5 years lang nagkaganito.
04:09Ano bang naging sanhin dito?
04:13Ang nangyari po kasi yung high tide, sinasamahan ng malakas na ulan.
04:19Sa ngayon po, talagang bumaba po yung level ng tubig dito sa amin.
04:23Iyon po ang naging dahilan, kaya hindi natutuyo yung tubig dito.
04:26Ano po kaya ang remedyo? May pwede po ho bang gawin?
04:30Meron ho bang pinangako ang inyong lokal na pamahalaan?
04:33Baka ang DPWH may solusyon?
04:35Yung inihintay po namin na project yung flood control.
04:39Sana matuloy na po para naman maibisan yung aming kahirapan dito.
04:46Pero nakapag-report po tayo sa kalumpit dati, may mga flood control dito mukhang hindi na control.
04:50Opo, puro ghost po ang nangyari, ghost project.
04:54Ibagusapin na ho yun.
04:55Pansamantala, maraming salamat po sa pagbahagi ng inyong oras, kagawad.
05:01Atto, nakausap po natin si kagawad na siya po namamahala dito sa San Jose Public Cemetery dito sa Kalumpit, Bulacan.
05:09Mga kapuso, kung kayo po ipatungo sa sementeryo ngayong araw na ito o ngayong weekend,
05:14eh, siguro maganda rin maisip na may mga kababayan tayo na isama na rin natin sa ating dasal
05:21na hindi ganun kadali para sa kanila ang alalahanin, ang bigyan ng paggalang ang kanilang mga yumao.
05:29At yan po muna ang latest mula dito sa Kalumpit, Bulacan. Balik muna tayo sa studio.
05:34Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
05:38Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
05:44Kapuso, huwag magpapahuli sa kalumpit, Bulacan.
Comments