00:00Matapos formal na manumpas sa pwesto, inilatag ni bagong Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez
00:06ang kanyang mga prioridad para iparating sa publiko ang mga programa at polisiya ng pamahalaan.
00:13Yan ang ulat ni Clayzel Pardilla.
00:17Malinaw at naiintindihan, ganyan target ihatid ng bagong acting secretary ng Presidential Communications Office na si Dave Gomez.
00:27Ang mga programa at polisiya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:33Ngayong araw, nanumpas si Gomez kay Pangulong Marcos bilang bagong pinuno ng PCO.
00:43Ipinangako ni Gomez ang paglaban sa fake news, pagpapalawak sa digitalization, pagsulong sa malayang pamahayag,
00:52pagpapabuti ng ugnayan sa media at pagkakasa ng performance evaluation sa loob ng ahensya.
00:59I need to conduct a fair, honest-to-goodness, unbiased performance audit of the office. I want to be fair to everyone.
01:07Sa isang social media post, inihayag ng Presidente ang tiwala kay Gomez.
01:13Kumpiyansa ang Presidente na efektibo niyang mayaabot ang mensahe ng pamahalaan.
01:18Pinalita ni Gomez si dating PCO Secretary Jay Ruiz, na ipinuesto bilang membro ng Board of Directors ng Manila Economic and Cultural Office.
01:28Nanumpa na rin bilang bagong pinuno ng Energy Department si Sharon Garin.
01:32Mula sa mahabang karanasan ni Garin sa batas at paggawa ng mga polisya.
01:37Positibo si Pangulong Marcos na makatutulong ang bagong Energy Chief sa paghatid ng maaasahan,
01:44abot kaya at malinis na kuryente sa bawat Pilipino.
01:48Samantala, kinumpirma ng Malacanang ang pagdibitiw ni Energy Regulatory Commission Chair Mona Lisa de Malanta
01:56na naghahain ng irrevocable resignation.
02:00Klaizal Pordilia, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas!